^

Punto Mo

PNP, magde-deploy ng drones sa SONA! — Acorda

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Sa mga magsasagawa ng kilos protesta ngayong araw sa 2nd State of the Nation Address (SONA) ni President Bongbong Marcos, magdala ng payong o kapote para may panangga kayo laban sa malakas na ulan. Inanunsiyo kasi ng PAGASA na nagba­badyang mag-landfall ang bagyong Egay sa Pinas sa araw na ito. Kaya para hindi mabasa dapat maghanda na rin ang mga kapwa nating Pinoy para rito. Mahirap mag­kasakit ngayong panahon. Mismooooo!

Hindi lang ‘yan, iprepara rin ng mga magkikilos protesta ang kanilang sarili sa mahabang lakaran dahil isasabay ng mga nagrereklamong tsuper ang kanilang 72 hour na transport strike sa SONA ni BBM. Araguuyyyyy! Kung sabagay, sanay namang maglakad itong kababayan nating mahilig magkilos-protesta, di ba mga kosa? Hehehe! Bumaba ba ang presyo ng bigas sa beinte pesos?  Eh di wow!

Sinabi naman ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na 100 porsiyentong handa na ang security preparations nila para sa SONA. Ayon kay Acorda, may sapat na pulis na i-deploy sa bisi­nidad ng Batasang Pambansa building sa Quezon City. “We are 100 percent ready for deployment and we are also in coordination with even private individuals. They are providing technical aspects (such as) CCTV coverage in all areas, as well as drones that we are going to deploy to make sure that all areas are covered when in comes to video in camera,” ang giit ni Acorda. Mismooooo!

Ayon pa kay Acorda, nagsagawa na ang PNP ng simulation exercises, communication exercises, walk-throughs, clearing operations at contingency plannings kung sakali mang magsagawa ng protest rallies ang mga progressive groups. Idinagdag pa niya na ipaiiral nila ang dati nang alituntunin na maximum tolerance laban sa mga protesters.

“We don’t want the escalation of violence, especially among those protesters. I’m appealing to our fellow Filipinos who will be doing these rallies to make sure that they are in the exercise of their rights, not to trample on the rights of other people, including the police,” ani Acorda. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Noong Sabado, tinanggap ni Acorda ang apat na drone units na donasyon ng Okada Foundation para i-deploy sa SONA. Itong mga drones ay may state-of-the-art features, kasama na ang high resolution cameras, thermal imaging capabilities at real time data transmission. Tinitiyak ni PNP chief na malaking papel ang gagampanan ng mga drones para siguruhin ang seguridad ng Metro Manila sa SONA. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Nagsagawa naman ng CDM competition ang NCRPO sa liderato ni Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez para paghandaan ang worst-case scenario ng SONA security. Hindi mangingimi ang mga tauhan ni Nartatez na arestuhin ang sinumang nanggugulo sa okasyon, lalo na ang mga protesters na matitigas ang ulo. Kung sabagay, halos taon-taon ay may SONA kaya’t alam na ng kapulisan natin ang dapat gagawin para panatilihin ang katahimikan at kapayapaan sa araw na ito, di ba Gen. Nartatez Sir? Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon naman kay QCPD director Brig. Gen. Nicolas Torre III tuloy lang ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Ave. dahil maliit na portion lang nito ang okupahin ng mga CDM contigents. Halos isang buwan ding pinaghandaan ni Torre ang seguridad ng SONA. Abangan!

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with