^

Punto Mo

Babae sa Japan, inaresto matapos gumawa ng 2,761 fake emergency call sa mga pulis!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Chiba, Japan ang inaresto matapos aba­lahin ang emergency hotline ng 2,761 beses sa kadahila­nang siya ay nababagot at walang makausap!

Inaresto ng Chiba prefectural police ang 51-anyos na si Hiroko Hatagami ng Matsudo city sa kasong obstructing the operations of a local fire department.

Inakusahan si Hatagami ng paulit-ulit na paggawa ng emergency call mula sa telepono sa kanyang tahanan at payphone sa kanyang neighborhood. Matapos arestuhin, agad umamin sa kanyang kasalanan si Hatagami at idinahilan na malungkot siya at gusto lang niya ng makikinig at magbi­bigay sa kanya ng atensyon.

Ang Matsudo Fire Department ang umaasikaso sa mga emergency call sa kanilang lugar at sila rin ang nagpapadala ng ambulansya sa mga health related emergencies.

Ayon sa kanila, mula Agosto 15, 2020 hanggang Mayo 25, 2023, tumawag sa kanilang hotline ng 2,761 beses si Matsudo at nagpapanggap na kailangan nito ng tulong. Ilan sa mga idinahilan nito ay masakit ang kanyang tiyan, drug overdose, masakit na binti at iba pang fake health emergency.

Kapag rumeresponde ang ambulansiya, magdadahilan ito na gu­maling na ang kanyang sakit o kaya ay magsisinungaling ito na hindi siya ang tumawag sa hotline. Kahit ilang beses ng binigyan ng babala si Hata­gami na huwag abalahin ang hotline, ipinag­patuloy niya ito sa loob ng dalawang taon at siyam na buwan.

Sa kasalukuyan, nakakulong si Hatagami sa police station at posibleng isailalim sa psychological assesment.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with