^

Punto Mo

Aura ng Kongreso at Senado, ayusin!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAKABABAHALA ang banta ng digmaan. Pero mas nakakatakot na saklutin tayo ng gutom dahil kapos ang produksyon ng bigas at iba pang agricultural pro­ducts. Sa Senado lang tuloy ang kainan kahit nagmumurahan.

Kinakailangan nating umangkat­ ng hindi kukulangin sa four million metric tons ng bigas at 450,000 metric tons ng asukal sa 2024. Ma­kakabawi na ang technical smugglers na financiers ng mga pulitiko.

Ang populasyon ng Pilipinas ay 114 million at 22 percent dito ay magugutom kung hindi aangkat ng pagkain sa ibang bansa. May dahilan na naman para sa humanitarian pork barrels ang mga representa-thief!

Kapag natuloy ang giyera sa mga kapitbansa natin, magpa­pahirap ito sa daloy ng importasyon. Magiging dahilan ito ng pagdarahop natin sa pagkain. Walang bertud ang “agimat” sa ganyan!

Maraming bagyo ang darating mula Hulyo hanggang Nob­yembre. Sana naman, sapat lang na tubig at walang malakas na dalang hangin. Marami na tayong imbak na hangin sa Kongreso at Senado di ba?

Kakapusin tayo sa tubig sa 2024 dahil ayon sa PAGASA, may nakaambang El Niño o tagtuyot. Kaya pala naghanda na ng mga baril si Robinhood. Ngeeek!

Ang usapin sa natitimbog na droga at mga pulis na sangkot daw sa “operation palit ulo” ay pinagpistahan nang husto ng mga nanonood ng hearing sa Kongreso at Senado.

Dahil sa “shock”, napaluhod si dating PNP chief at ngayo’y senador Bato! Wag kayong ganunnn!

vuukle comment

SENATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with