^

Punto Mo

Lalaki sa Bangladesh, nabawasan ang sentensiya matapos maging tagabitay ng mga kapwa inmates!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 74-anyos na preso sa Bangladesh na nakulong sa kasong murder ang nakalaya ng mas maaga sa kanyang sentensiya matapos niyang bitayin ang kapwa inmates!

Noong 1991, nasentensiyahan ng 42 taong pagkakabilanggo si Shahjahan Bhuiyan dahil sa murder. Pero noong Hunyo 18, 2023, nakalaya siya sa kulungan ng 10 taon na mas maaga kaysa sa kanyang sentensiya. Nabawasan ng isang dekada ang kanyang parusa dahil sa good behavior at pagiging berdugo sa 26 na kapwa niya preso!

Naging hangman o taga-bitay si Shahjahan noong 2001 matapos malaman ng mga prison officials sa Dhaka Central Prison na expert siya sa paggamit ng lubid. Ang Bangladesh ang isa sa kaun­ting bansa sa buong mundo na gumagamit pa rin ng pagbigti bilang death sentence. Dahil sa kaalaman niya tungkol sa lubid, itinalaga na siya bilang executioner. Sa bawat preso na kanyang bibitayin, mababawasan ng dalawang buwan ang kanyang sentensiya.

Sa panayam kay Shahjahan kung saan tinanong siya kung nakaramdam ba siya ng konsensiya o pagsisisi sa pagiging berdugo, sinabi nito na hindi siya nakadama ng kahit anong pakiramdam dahil ang tingin niya sa ginawa niyang pagbitay ay isang trabaho lamang. Dagdag pa niya, kung hindi niya tinanggap ang trabahong ito, may ibang tao rin naman na gagawa nito.

Sa kanyang paglaya, wala nang pamilya at ta­hanan na mababalikan si Shahjahan. Ayon dito, maninirahan siya sa isang bukirin kasama ang katulad niyang ex-convict na naging matalik niyang kaibigan noong sila’y nakakulong pa.

 

vuukle comment

BANGLADESH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with