^

Punto Mo

PAGCOR at PCSO milking cow ng mga pulitiko

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NILIKHA ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa ilalim ni dating Pres. Ferdinand E. Marcos noong 1977 upang mapaangat ang kikitain sa ­turismo. Kalakip din dito ang propaganda na walang ligalig na dulot ang martial law sa bansa, he-he-he!

May kabuuang 50 casino centers sa Pilipinas kabilang ang 14 joint venture at siyam ang pag-aari ng pribadong operators. Malaking pera ang usapan sa pagkuha ng accreditation and franchising sa PAGCOR, pero mas nakakatipid ang mga kasalo sa labangan sa Palasyo, ha-ha-ha!

Sumabit na noon si dating Chairman Efraim Genuino at 40 pang mga opisyales nito dahil sa maanomalyang disbursements ng pondo ng PAGCOR. Anong nangyari sa kaso? Wala lang, he-he-he!

Napahamak din si dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo noon dahil sa maabusong paggamit sa pondo ng PCSO kabilang ang pagbili ng diumano’y overpriced lotto machines ng PCSO. Marami pang mga sumunod na namuno sa PCSO na nabulatlat din ang kabulukan ng pamamahala. Mapatino kaya ni BBM ang PCSO ngayon?

Lumaganap na rin ang illegal gambling operations na itinago sa likod ng PCSO-STL na converted na backdoor jueteng. Ang makamandag sa lahat ay ang online sabong ng PAGCOR na lumimas ng bilyones na pera ng mamamayan na may blessings ng mga congressman at local government officials. Nagkamatayan na nga di ba?

Malaki ang maitutulong nina PAGCOR Chairman Alejandro Tengco at PCSO Chairman Junie Evangelista Cua sa gobyerno, huwag lang silang maimpluwensiyahan ng mga barubal na Board of Directors na bata-bata ng mga pulitiko.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with