^

Punto Mo

Insidente ng sunog, tumaas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NASUNOG kahapon ang malaking bahagi ng Manila Central Post Office.

Tinatayang aabot sa P300-M ang pinsala sa naganap na sunog.

Kabilang sa mga nasunog ang mga padalang sulat, parcels at Phil. National IDs na dapat sana ay idedeliber sa Maynila.

Kada buwan ng Marso, inoobserbahan ang fire prevention month dahil umano dito naitatala ang mataas na insidente ng sunog sa buong bansa na siya ring buwan sa pagsisimula halos ng tag-init.

Ngayong buwan ng Mayo, malalaking sunog ang naitala sa iba’t ibang panig ng bansa partikular sa Metro Manila.

Kahapon lang tatlong insidente ng sunog ang magkakasunod na naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Pasig, Caloocan at Quezon City. Bukod pa nga rito ang naganap na sunog sa Manila Central Post Office.

Sa buwang ito rin, magkakasunod ang malalaking sunog sa Maynila, sa Parañaque at sa Pasay na nagaganap halos araw- araw.

Sa pinakahuling data na inilabas ng BFP, sinasabing tumaas ng nasa 40 porsiyento buhat lamang noong Abril 1-26 ang naganap na sunog kumpara sa ganito ring petsa noong nakalipas na taon.

Buhat sa 953 fire incidents noong Abril 2022, nakapagtala sa ganito ring petsa ng nasa 1,332 ngayong 2023.

Mula naman noong Enero 1 hanggang Abril 17, ng kasalukuyang taon, umaabot na sa 3,991 ang insidente ng sunog na naitala ng BFP.

Wala pa dyan ang buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon kung saan nga marami na rin ang naitalang malalaking sunog.

Ilang dahilan nga na nakikita rito ang ang pagtaas sa electricity demand ngayong tag-init na posibleng nagkokompromiso sa power lines.

Nakakadagdag din sa banta ng sunog, ang mga tuyong dahon, damo at mga basura na madaling sumiklab dahil sa matinding init.

Pero nandyan rin sa mga dapat  mabantayan ang hindi na yata natino na mga sala-salabat na kable ng kuryente.

Dapat din ito laging ma-inspeksyon at maisaayos ng mga electric company/, na isa rin sa pinagsisimulan ng sunog.

Kapwa nanawagan at nagbabala na rin ang DILG at BFP na magsagawa ng kaukulang pag-iingat para maiwasan ang sunog.

Maging ang mga local government units ay hinikayat din ng DILG na magsagawa ng regular na inspeksyon para masiguro na nasusunod ng mga establisimento ang regulasyon sa ipinatutupad na Fire Code of thje Philippines (FCP).

Kasi nga madalas na mangyari na kung hindi pa tumataas ang insidente ng sunog , eh napagwawalang bahala ang mga ganitong bagay kung saan nasasapalaran ang buhay, kaligtasan at kabuhayan ng marami.

Ilan namang  simpleng fire safety protocols na dapat maisagawa sa mga tahanan , katulad ng  pag-anplug sa mga appliances na hindi ginagamit, ‘wag iwan ang nakabukas na kalas, regular na inspeksyon sa LPG tanks na makakatulong ng malaki para makaiwas sa sunog.

Ingat ang lahat!

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with