^

Punto Mo

EDITORYAL - Gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask

Pang-masa
EDITORYAL - Gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask

TUMAAS umano ang admission ng mga may COVID sa ilang pribadong ospital ayon sa Private Hospital Associations of the Philippines. Umabot umano sa 20 hanggang 50 percent ang admission sa COVID wards. Nangunguna umano ang National Capital Region sa may mataas na admission na sinundan ng Calabarzon, Western Visayas at Davao Region.

Ayon naman sa Department of Health (DOH), tumaas ang kaso ng COVID-19 mula Mayo 8-14 na nakapagtala ng 12,414 na bagong kaso. Una nang sinabi ng DOH na walang dapat ikabahala o ipangamba ang publiko. Noong nakaraang linggo, sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi na global emergency ang COVID. Ganunman, nagpaalala pa rin ang WHO na narito pa rin ang COVID kaya kailangan ang pag-iingat.

Nagpaalala rin ang OCTA Research Group sa publiko na mag-ingat sapagkat maaaring tumaas pa ang kaso ng COVID. Iwasan ang matataong lugar at nararapat mag-face mask para makaiwas sa virus.

Dalawang lungsod na ang nagre-require sa kanilang nasasakupan na magsuot ng face mask—ang Maynila at Baguio. Ipinag-utos ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa city hall. Sinabi ni Lacuna na tumataas ang kaso ng COVID kaya iniutos niya ang paggamit muli ng face mask sa lahat ng mga empleyado ng city hall. Mahigpit na ipatutupad sa lahat ng tanggapan at maging ang mga taong pupunta o may mga transaksiyon sa city hall ay dapat naka-face mask.

Ipinag-utos din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Lunes na mag-face masks ang mga residente at turista dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa lungsod. Ayon kay Magalong, nag-a-average ng 13 hanggang 14 na kaso bawat araw kaya kailangang mag-ingat uli. Ganunman, sinabi ni Magalong na hindi kinokontrol ang movement ng mga tao. Malaya pa rin ang mga tao na makapapamasyal saan man nila gusto.

Ngayong dumarami ang kaso, dapat nang ipag-utos ang mandatory na pagsusuot ng face mask. Ibalik ang dating nakagawian para makaiwas sa virus at nararapat tumalima ang lahat. Madali nang gawin ito dahil nakasanayan na sa loob nang mahigit dalawang taon. Kung hindi ito ipatutupad, baka dumami ang kaso at mapuno na naman ang mga ospital. Paigti­ngin naman ng DOH ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster para may proteksiyon ang mamamayan.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with