^

Punto Mo

Atty. Cabling, tamang tao para sa SHFC!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAY solusyon pa kaya sa mabigat na problemang pabahay sa Pinas? Nakaaalarma na kasi na sa datos ng gobyerno, ­lumalaki ang “housing backlogs” at ilang presidente na din ang nangakong tutuldukan ito subalit hindi nagtagumpay. Posibleng pumalo sa 22 milyon ang housing backlogs o katumbas ng 20 porsiyento ng populasyon kaya’t dapat malutas ito ni President Bongbong Marcos Jr. na  nangako noong kampanyahan na magkakaroon ng disenteng bahay ang mga Pinoy.

Kaya lang, aminin man o hindi ni BBM, mahirap maghanap ng tao na magiging “front” niya para maibsan o masolusyunan ang housing backlog at mumultuhin ang administrasyon niya kapag hindi niya napagtuunan ng pansin ang problemang ito, di ba mga kosa? Sa ganang akin, kailangan ni BBM ng isang garantisadong masipag na tao para makakatulong sa pagsasakatuparan ng kanyang pangakong disenteng bahay sa bawat pamilyang Pilipino! Eh di wow! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Lumabas sa datos na nitong nakalipas na limang taon, pumalpak ang estado ng pananalapi ng National Housing Authority (NHA) dahil palpak ang mga negosyong kanilang pinasukan. Totoo kaya na lampas P8 bilyon na ang pagkakautang ng NHA sa iba’t ibang institution ng gobyerno? Araguuyyyyyy!

Ang masaklap, may natitirang pondo ang NHA na halos P1 bilyon subalit hindi sapat ito para mabayaran ang kanilang pagkakautang. Get’s n’yo mga kosa? Kaya’t sa sobrang laki ng problemang iniwan ng dating nakaupo sa NHA, baka itong housing backlog ay lalong lumobo. Mismooooo! Hak hak hak! Kasi ang gagawin ng NHA head ay unahin ang pagbayad sa pagkakautang imbes na pagtuunan ng pansin ang housing backlog, di ba mga kosa? Dipugaaaaa!

Subalit kung palpak ang NHA, aba kabaliktaran naman ang nangyayari sa Socialized Housing Finance Corporation (SHFC) na pinamumunuan ni Atty. Arnolfo Ricardo Cabling. Sinabi ng mga kosa ko na walang sinayang na sandali si Cabling sa pag-iikot at pagsulong ng socialized housing projects saang sulok man ng bansa. Eh di wow!

Nakipag-ugnayan din si Cabling sa mga lungsod at munisipyo para sa isahang pagkilos na nagresulta sa kabi-kabilang proyekto, kahit sinasabotahe na siya ng pamilyang pasok sa pagpapatayo ng mamahaling residential subdivision. Araguuyyyyy! Kilala n’yo ba ang pamilyang ‘yan, mga kosa? Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Sa pamumuno ni Cabling, humaba ang talaan ng mga naisakatuparang proyektong pabahay ng SHFC. Ang paglalarawan pa sa kanya ng mga abang kawani ng pinamumunuang ahensya, “tila di marunong matulog ang de kampanilyang abogado.” “Nung wala pa si Attorney sa amin, may oras pa kami mag-relax. Nung dumating siya, puro trabaho na kaming lahat. Hindi kaya ng powers namin ang sipag niyan,” ang dagdag pa nila. Hak hak hak! Hands on leadership pala si Cabling sa SHFC, di ba mga kosa? Abangan!

vuukle comment

BONGBONG MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with