^

Punto Mo

Mga bulok na pulis sa NCRPO, ‘get out!’ —Estomo

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

“WALANG lugar sa kapulisan ang mga bulok sa ating hanay.” Ito ang tinuran ni NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel “Esto” Estomo sabay warning sa kanyang mga tauhan na ‘wag masangkot sa katiwalian dahil, kapag nadismis sila ay hahadlangan niya ang pagbabalik ng mga ito sa serbisyo.

Sa kanyang pag-iikot sa limang police districts at sa Regional Mobile Force Battalion, binigyan diin ni Estomo ang pagserbisyo ng mga pulis sa mga Pinoy sa Metro Manila para manatiling malinis ang kanilang record at makapagretiro. Nang sa gayon, mapakinabangan ng kani-kanilang pamilya ang kanilang malaking pension at iba pang benefits mula sa PNP. Inutusan din ni Estomo ang mga district directors, chiefs of police, station commanders at hepe ng mga unit at opisina na disiplinahin at maiging i-supervise ang kani-kanilang mga tauhan at siguraduhin na sumusunod ang mga ito sa lawful orders, policies at rules and regulations.

Bilang halimbawa, inungkat ni Estomo ang famous na binitiwang salita ng isang bantog na heneral na si General George Pattion, na “Lead me, follow me, or get out of my way.” Dipugaaaaa! Si Patton mga kosa ay bantog na heneral na nagpanalo ng Allied powers vs Germany at kaalyadong bansa noong World War II. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa record ng NCRPO mula 2016 hanggang 2022, umaabot sa 29 kapulisan ang nadismis sa serbisyo at sinabi ni Estomo na wala na silang tsansang makabalik pa bilang pulis. Isa sa mga pulis ang nasibak dahil sa kasong murder, isa pa sa homicide, dalawa sa paglabag ng anti-rape law, isa sa violation of Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, lima sa kasong kidnapping-illegal detention with extortion or ransom, dalawa sa robbery extortion at 10 sa iba’t ibang kaso. Inamin ni Estomo na may mga pending cases pa laban sa mga tiwaling pulis ng NCRPO at nangako siya na “they will be dealt with accordingly.” Araguuyyyyy! Hak hak hak!

Dapat lang sigurong seryosohin ng 23,000 kapulisan sa Metro Manila itong mga babala ni Estomo dahil may kalalagyan talaga sila kapag na-promote pa ito. Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Inamin naman ni Estomo na kokonti lang ang bulok sa kanilang hanay at marami ang masugid na nagtatrabaho para pangalagaan ang kaligtasan ng mga Pinoy. Kaya lang, kapag na-play-up ang kabuktutan ng iilang tiwaling pulis sa media, abaaaaa eh nabubura bigla ang mga magandang accomplishments nila. Alinsunod sa kautusan ng liderato ng PNP, hindi lang ang mga external issues ang ina-address ni Estomo kundi maging ang internal issues at kasama riyan ang internal cleansing sa kanilang hanay.

“We will never allow these few undeservings to tarnish our badges and the PNP organization,” ang giit ni Estomo.  “We will never tolerate and will continue to uncover and unfold the tactics and hidden agenda of some of our personnel and guarantee that those proven guilty will be removed from the police service,” ang dagdag pa ni Estomo. Eh di wow! Hayan mga kosa kong pulis, hindi nagkulang si Estomo sa brotherly advice niya sa inyo. Hak hak hak! ‘Wag n’yong sisihin si Estomo kapag balik sibilyan kayo ha?  Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with