^

Punto Mo

EDITORYAL - Maling hakbang ng Dept. of Migrant Workers

Pang-masa
EDITORYAL - Maling hakbang ng Dept. of Migrant Workers

HINDI tama ang ginawa ng bagong talagang secretary ng Department of Migrant Workers na pag-alis sa deployment ban ng OFWs sa Saudi Arabia. Sa pag-alis ng ban, para niyang kinakampihan ang mga umaabusong employer. Sa hakbang niya, posibleng dumami pa ang mga magmamaltrato sa OFWs.

Hindi dapat inalis ang deployment ban na ipinag-utos ni Labor Sec. Silvestre Bello III noong Nobyembre 2021 sapagkat ito ang tamang hakbang para mapigilan­ ang pagmamalabis ng ilang Saudi employer. Sinuspende ni Bello ang pagpapadala ng overseas workers sa Saudi dahil sa isang employer na nagmamaltrato sa mga Pili­pino — hindi pinasusuweldo ang mga trabahador na Pinoy. May katwiran si Bello na kapag inalis ang deployment ban puwedeng maulit ang ginawa ng abusadong heneral. Ang gusto ni Bello ay maprotektahan ang mga Pinoy sa Saudi. Ayaw na niyang maulit ang pang-aabuso sa OFWs.

Noong nakaraang Abril 25, isang department order ang inisyu ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Abdullah Mama-o na nag-aalis sa deployment ban. Ginawa ito ni Mama-o sa kabila na ang kanyang tanggapan ay hindi pa lubusang nabubuo dahil kasasabatas pa lamang ng Republic Act 11641. Sa ilalim ng RA 11641, ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay sasanib sa Department of Migrant Workers. Sa kasalukuyan wala pang budget ang DMW. Kaya wala pang pagbabagong dapat gawin ang DMW sa ilalim ni Mama-o.

Ang deployment ban ay ginawa ni Bello nang mag­reklamo sa kanya ang 16 na OFWs na pinagmamalupitan ng Saudi General na nagngangalang Ayedh Thawah Al-Jealid. Ayon sa mga Pinoy, mula pa noong 2019, hindi sila pinasusuweldo ni Al-Jealid­. Ang ma­tindi ayon sa mga Pinoy, bukod sa hindi sila pinasa­sahod, nakakaranas pa sila ng pananakit­ kay Al-Jealid. Maimpluwensiya umano ang heneral kaya pa­­tuloy sa ginagawang pagmamaltrato sa kanila. Galit na galit si Bello­ at nakipag-ugnayan sa mga awtoridad­ sa Saudi­ Arabia­ pero nagmamatigas pa rin daw ang general. “Matigas ang lintik na general,’’ sabi ni Bello.

Iyon ang ugat kaya ipinatigil niya ang pagpapadala ng OFWs sa Saudi Arabia na karaka namang ni-lift ni Mama-o.

Ipagpatuloy ni Bello ang unang direktiba na huwag magpadala ng OFWs sa Saudi Arabia. Baka mas malalang problema ang mangyari kung magpapatuloy ang deployment. Lutasin muna ang problema bago ituloy ang deployment. Tama ang kanyang ginagawa kaysa hakbang ng katatalagang kalihim ng DMW.

vuukle comment

MIGRANT WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with