^

Punto Mo

Project employee, may karapatan ba sa separation pay

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May makukuha po ba akong separation pay kapag nagtapos na ang kontrata ko sa kompanyang pinapasukan ko? Dalawang taon na po akong project employee. —Derek

Dear Derek,

Sa ilalim ng Article 295 ng Labor Code, masasabing project employee ang isang empleyado kung ang kanyang employment ay para sa isang partikular na proyekto na may nakatakdang panahon kung kailan ito matatapos at makukumpleto.

Kailangan din na alam ng empleyado kung kailan matatapos ang proyektong kanyang tatrabahuhin bago pa man siya magsimula. Mahalaga ito dahil ang employment ng mga project employees ay hanggang sa panahong matapos ang proyekto o ang alin man sa mga phases o yugto nito.

Kung ikaw nga ay isa talagang project employee ukol sa depinisyon mula sa Labor Code, at ang sinasabi mong pagtatapos ng iyong kontrata ay bunsod ng pagtatapos ng proyektong tinatrabaho mo o ang isa sa mga phases nito, wala kang matatanggap na separation pay.

Maari lamang makatanggap ng separation pay ang isang project employee kung siya ay tinanggal agad sa trabaho kahit hindi pa tapos ang proyekto at ang pagkakatanggal niya sa trabaho ay dahil sa tinatawag na “authorized cause” sa ilalim ng Labor Code, katulad ng pagkalugi o pagkakaroon ng labis na bilang ng empleyado.

vuukle comment

SEPARATION PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with