^

Punto Mo

EDITORYAL - Perwisyong baha dahil sa plastic na basura

Pang-masa
EDITORYAL - Perwisyong baha dahil sa plastic na basura

KAUNTING ulan lang at baha agad sa España Boulevard, Rizal at Taft Avenues sa Maynila. Ganito ang nangyari noong nakaraang linggo. Umulan nang malakas na tumagal nang wala pang kalahating oras pero nagdulot agad ng baha sa España kaya maraming sasakyan ang hindi makaraan. Ganundin ang nangyari sa Taft Avenue. Maraming pasahero ang na-stranded. Ang iba, naglakad na lamang sa hanggang tuhod na baha. Isang kakaibang tanawin sa panahon ng tag-araw.

Basura ang dahilan kaya laging bumabaha sa Metro Manila particular na sa Maynila. Ilang dekada na ang problemang ito subalit hanggang ngayon, problema pa rin at mas malala dahil kaunting ulan, baha agad.

Inamin na noon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mga basura ang dahilan nang pagbaha na karamihan ay pawang plastic. Hindi raw kaya ng pumping stations na pabilisin ang pagliit ng baha dahil sa mga nakabarang plastic na basura.

Gumastos ang pamahalaan ng bilyong piso para sa flood control program noong 2010 pero balewala rin sapagkat bumabaha pa rin dahil sa mga nakabarang basura. Hindi lang pangkaraniwang basura ang nakabara kundi mga plastic na hindi nabubulok. Karaniwang plastic sando bags, sache ng shampoo, 3-in-1 coffee, cup ng instant noodles, plastic shopping bags at ngayong may pandemya, nadagdag ang mga ginamit na face masks at face shields. Humantong na sa pusod ng dagat ang mga face mask.

Maraming estero ang hindi na gumagalaw ang tubig dahil sa dami ng basura. Kadalasang informal settlers na nakatira sa pampang ng estero ang nagtatapon ng mga basurang plastic. Naging basurahan nila sa mahabang panahon ang mga estero.

Noong nakaraang Marso 2, lumagda ang Pilipinas at iba pang bansa sa UN resolution para wakasan ang plastic pollution. Naganap ang historic resolution sa UN Enviromental Assemby sa Nairobi, Kenya. Sa resolution, ipinaliwanag ang full life cycle ng plastic products — mula sa produksiyon at design disposal ng mga ito. Inaasahan na ang resolution ang magwawakas sa problema sa plastic pollution sa buong mundo.

Ipagpatuloy naman ng MMDA ang regular declogging sa drainages at maging sa mga estero.  Maraming nakabara at dapat maalis ang mga iyon. Ipag-utos naman ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kapitan ng barangay na paigtingin ang pagbabantay sa mga magtatapon ng basura sa mga kanal, estero, sapa at imburnal. Kastiguhin sila sa pag-apaw ng mga basurang plastic.

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with