^

Punto Mo

Youtuber sa Tokyo, tinaguriang may pinakamahabang dila sa Japan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING talent ang 25-anyos na Japanese Youtuber na si Michaela Wako Sato. Siya ay naging miyembro ng isang idol group dahil may talento siya sa pagkanta, marunong din siyang umarte kaya marami na siyang ginanapang TV dramas at magaling din siyang magpatawa kaya may 99,000 subscribers siya sa kanyang YouTube channel.

Pero mayroon siyang kakaibang katangian na siya lang ang mayroon sa buong Japan — ang pagkakaroon nang mahabang dila!

Naging viral at umabot sa three million views ang Youtube video ni Michaela kung saan pinakita niya kung gaano kahaba ang kanyang dila na may sukat na 9.9 centimeters.

Habang hindi pa opisyal na nasusukat ng Guinness World Record ang kanyang dila, itinuturing na ng kanyang mga fans at subscriber na siya ang babaing may pinakamahabang dila sa mundo dahil ang kasalukuyang may hawak ng titulo nito na si Chanel Tapper ay 9.75 centimeters lamang ang haba ng dila.

 

vuukle comment

TOKYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with