^

Punto Mo

Pitbull, may bibig sa kanang taynga!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUMALAT sa social media websites ang litrato ng grey pitbull mix na si Toad dahil sa pagkakaroon nito ng bibig sa kanang taynga!

Dinala si Toad sa Oklahoma City Animal Welfare shelter dahil walang nagmamay-ari sa kanya. Nang isailalim siya sa checkup, nagulat ang mga beterinaryo nang makitang imbis na taynga, bibig ang kanilang nakita.

Bukod sa may mga fully developed teeth ang pangalawang bibig ni Toad, naglalaway din ito. Pero wala itong panga at hindi ito gumagana bilang isang fully functional na bibig.

May haka-haka ang beterinaryo na maaaring na-absorb ni Toad ang kakambal niya habang nasa uterus pa lamang sila ng kanyang ina.

Dahil sa kakaibang kondisyon ni Toad, na­lathala siya sa mga news headlines at nag-viral sa internet. Dahil sa kakaibang kondisyon ni Toad, hindi madali para sa shelter na hanapan ito ng tahanan na mag-aalaga sa kanya pero sa kalaunan ay inampon siya ni Heather Hernandez, founder ng  animal charity na Mutt Misfits Animal Rescue Society.

 

vuukle comment

PITBULL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with