^

Punto Mo

Sino ang mas importante?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

IBINALITA kay Lyn na namatay na ang kapatid ng kanyang Lolo, o kilala sa tawag na Lola Tiya. Nang makarating ang balita sa kanya, ito ay ililibing na kinabukasan. Halimbawa, Biyernes ng umaga ibinalita sa kanya, pero sa Sabado ng umaga na ito nakatakdang ilibing.

Hindi siya puwedeng magpunta ng Biyernes dahil may trabaho siyang minamadaling tapusin dahil kinabukasan ng Sabado ay aatend siya ng 50th birthday party ng kanyang best friend sa Baguio. Si Lyn ay nasa Maynila. Ang Lola Tiya niya ay nakaburol at ililibing sa Lucena. Isang papuntang North, isang papuntang South. Imposibleng makipaglibing muna tapos saka tatakbo sa birthday party, dahil gabi ito gaganapin. Sana ang lugar ay nasa isang direksiyon. Kaso ay magkahiwalay, kaya isa lang ang dapat piliin niya.

Kung siya ay hindi darating sa birthday, ano ang magiging implikasyon nito? Una, si Lyn ang emcee sa birthday party ng kaibigan. Malaki ang tiwala ng kaibigan na mapapasaya niya ang party nito dahil minsan na siyang nagtrabaho sa comedy bar. Doon na lang, malaking perwisyo ang mangyayari kapag hindi siya nakarating. Saan hahanap ang kaibigan ng mag-e-emcee ng ura-urada? Isang taon bago sumapit ang birthday ng kaibigan ay nakaplano, na si Lyn ang mamamahala sa programa.

Kung  hindi darating si Lyn sa libing ng kanyang Lola Tiya, ano ang magiging implikasyon nito? Wala. Ang “late” na pagpaparating sa kanya ng balitang patay na ang kanyang Lola Tiya ay indikasyon na “least important” siya bilang kamag-anak. Sa kanilang angkan, ang unang binabalitaan ng kamatayan ng isang kamag-anak, bukod sa immediate family, ay ‘yung mayamang kamag-anak, laging nauutangan, at mabilis pagsanlaan ng bukid.

Naalaala ni Lyn ang isang insidente noong umatend siya ng funeral ng isang tiyuhin, tatlong taon na ang nakakaraan. Siya at ang mayamang pinsan ay magkatabi sa isang sofa. Biglang dumating si Lola Tiya at apo nito. Inakay nito ang apo sa harapan ng mayamang pinsan at inutusang magmano. Nakatunganga lang si Lyn. Hindi man lang siya ipinakilala sa apo nito. Hindi naman siya hampaslupang mahirap pero hindi rin siya mayaman kagaya ng kanyang pinsan na nakakapagrekomenda pa ng mga kamag-anak sa kompanyang pinaglilingkuran nito.

May ugali pa ang Lola Tiya niya na biruin siya lagi ng mga komentong nagpapababa ng self-esteem:

Bakit ganito na ang mukha mo ngayon (hihigitin ang kanyang magkabilang pisngi, para i-emphasize ang hitsura ng mukha ni Lyn)? Aba’y parang siopao na napasobra ang alsa. Bakit naman nagpataba ng ganyan? Ang pangit mo ngayon, sa totoo lang.

Pagkatapos mag-flashback ni Lyn. Napangiti siya. Dapat pa bang pag-isipan nang malalim kung sino ang pupuntahan niya ? Tapos bigla niyang na-realize — dapat palang maging mabait tayo sa ating kapwa para kapag namatay tayo, ang kabaitang iyon ang magiging dahilan para magkumahog ang maraming kamag-anak na makipaglibing sa atin. 

vuukle comment

SIBLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with