^

Punto Mo

Sundalong hindi bumuka ang parachute, nakaligtas matapos mag-crash sa bahay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HIMALANG nakaligtas ang isang British paratrooper matapos hindi bumuka ang kanyang parachute at bumulusok mula sa taas na 15,000 talampakan papunta sa isang bahay sa California.

Hindi binanggit mula sa mga ulat ang pagkakakilanlan ng sundalo, na tumalon mula sa isang eroplano bilang bahagi ng high altitude low opening exercise (HALO) na kadalasang isinasagawa ng mga kasapi ng special forces.

Marami sa mga residente ang nakakita sa pagbagsak ng sundalo sa bubong ng bahay kaya agad nilang napuntahan ito sa kusina kung saan siya nag-crash.

Ayon sa isa sa mga residenteng unang pumasok ng bahay, may malay naman daw ang sundalo nang datnan nila ito, ngunit hindi muna nila ito ginalaw sa kanyang posisyon sa pangambang nagtamo ito ng matinding injuries.

Agad na dinala ang sundalo sa ospital kung saan siya ay ginamot para sa mga “minor injuries.”

Ayon sa may-ari ng bahay kung saan nag-crash ang sundalo ay himala rin para sa kanila ang pangyayari. Bukod kasi sa butas sa bubong ay wala ng ibang napinsala sa kanilang bahay. Nakakamang­ha­ raw na hindi man lang natamaan ng pagbagsak ng sundalo ang kahit isang gamit nila sa kusina.

 

vuukle comment

CALIFORNIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with