^

Punto Mo

Mga magsasaka sa India, arestado dahil sa mga nalasing na buffalo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAG-OPEN BAR ang mga alagang buffalo ng tatlong magsasaka sa India dahilan upang malasing ang mga ito at maging rason para arestuhin ang kanilang mga amo.

Bistado ang iligal na paggawa ng alak ng tatlong mag­sasaka matapos sumangguni ang isa sa kanila sa isang beterinaryo dahil sa kakaibang ikinikilos at pagbubula sa bibig ng kanilang mga alagang buffalo.

Ininspeksiyon ng beterinaryo ang iniinuman ng tubig ng mga buffalo at napansin niyang may kakaibang amoy at kulay ito.

Noon niya nabistong doon pala itinatago ng tatlong magsasaka ang mga kontrabandong alak na kanilang ginagawa.

Nagkataong nabasag ang isa sa mga bote kaya humalo ang alak sa tubig na iniinom ng mga baka at ikinalasing ng mga ito.

Agad na isinumbong ng beterinaryo ang kanyang natuklasan sa mga pulis.

Agad nagsagawa ng raid at inaresto ang tatlong magsasaka.

Nasa 100 bote ng alak ang nakumpiska ng mga pulis mula sa isinagawang raid.

Mahigpit na ipinagbabawal ang iligal na paggawa ng alak sa India, na naging sanhi nang pagkamatay ng ilang katao doon dahil sa pagkalason.

vuukle comment

INDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with