^

Punto Mo

Bawal lumabas dahil pandemya! Yari kayo kay Mayor!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SIMULA ng panahon ng pandemya, mali ang nagsulputan, naglabasan. Mga oportunistang pulitiko, dorobong pilantropo kuno, panggagantsong negosyo o extra income raw at pati na rin mga abusadong employer.

Ginagamit ang sitwasyon ng pandemya para makapan­lamang, makapanloko at makapang-api ng kapwa. Ganito ang sumbong na inilapit sa BITAG ng mga emple­yadong tumakas mula sa isang pabrika sa Valenzuela.

Bawal lumabas ng pabrika o umuwi sa kanilang mga pamilya ang mga empleyado dahil daw mataas ang mga kaso ng nagpopositibo sa Valenzuela.

Ipina-padlock at nakakandado lahat ng gate ng pabrika para masigurong walang empleyado ang makakalabas. Sa mismong gawaan ng mga produkto, sa sahig lamang natutulog ang mga manggagawa.

May pagkain naman raw mula Lunes hanggang Sabado. Pagdating ng Linggo, suwerte na lang kung meron silang kape at kanin na pangkain. Hindi raw obligasyon ng kumpanya na magbigay ng pagkain tuwing Linggo dahil wala raw trabaho.

Ipinadala ng mga empleyado ang video ng kanilang sitwasyon sa kanilang mga pamilya. Isa sa kanilang kaanak, ipinost sa social media ang kanilang video sa sobrang awa.

Nakaabot sa pamunuan ng pabrika’t binantaang sasampahan ng kaso ang mga empleyado. Sa sobrang takot ay tumakas ang mga manggagawa sa pabrika.

Ang masaklap, sa loob raw ng 22 taon nilang pagtatrabaho sa pabrika, P1,000 lamang daw ang kanilang makukuha dahil sa ginawang pagtakas at pagpo-post ng video.

Ikinagalit ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian ang sumbong na ito. “Hayop, hindi tao ang trato sa mga manggagawang ito,” aniya. 

Makailang beses nang lumapit ang BITAG sa tanggapan ni Mayor Gatchalian sa mga kasong tulad nito – hindi niya kami binigo. Sabi ko nga, tila TULFO kung kumilos laban sa mapang-abuso ang mayor na ito.

Habang sinusulat ang kolum na ito, kasama ng grupo ni Mayor Gatchalian ang BITAG Investigative Team para i-surprise inspection ang pabrika. Posibleng maire-rescue pa ang mga manggagawang natitira sa loob ng kompanya.

Kung tulad lang sana ni Mayor Gatchalian ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga Del Sur, mabilis kausap, aksiyon agad at hindi nag-a-abogado sa mga inirereklamo. 

Eh di madali din sanang natapos ang problema ng pasyente’t kanyang misis na nagreklamo laban sa ilang doktor at medical staff ng Zamboanga del Sur Medical Center.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with