^

Punto Mo

Community pantry usong salita ngayon

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

USO ngayon ang salitang pantry dahil sa nagsulputang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa na nag-aalok ng libreng pagkain sa nangangailangan lalo na ngayong may pandemya na libong tao ang nawalan ng trabaho.

Tila biglang nalinya na rin ang pantry sa mga salitang nauso, naging palasak at naging araw-araw na bahagi ng buhay natin mula nang kumalat ang COVID-19. Kasama na ang pantry sa hanay ng social distancing, face mask, face shield, alcohol, pandemya, lockdown,  health protocol, quarantine, curfew, contact tracing, online class, work from home,  ppe (personal protective equipment) vaccine, virus, ayuda, positive o negative (sa COVID), swab test, at ibang mga terminong natutunan at natanim sa isip ng mga tao kaugnay ng pandemya.

Walang direktang salin sa Tagalog ang pantry pero, kung susundan sa salin sa Ingles, isa iyong cabinet o closet  o anumang lagayan ng mga pagkain sa kusina o paminggalan. Sa kaso ng community pantry, karaniwang isa itong maliit o mataas o mababa o mahabang mga mesa o kariton  na naglalaman ng mga gulay, bigas, itlog, de lata, noodles, prutas, tinapay,  at ibang pagkain na ipinamimigay sa sino man at karaniwang makikita sa labas ng bahay ng nag-organisa nito o maaaring sa bangketa o lugar sa labas na  madaling makita.

May mga nagdodonasyon para mapunan ang mga pantry na ito. Puwede marahil tawagin sa Tagalog na paminggalang bayan o kusinang bayan  pero, dahil sanay ang marami sa atin sa Taglish, tila tinanggap na lang ang wikang Ingles na community pantry.

Hindi na naman bago ang konsepto ng ganitong community pantry dahil meron na ring mga  gumagawa nito sa ibang bansa (tulad halimbawa sa Qatar at Bahrain) kahit noong wala pang pandemya  bagaman sa halip na mga lamesa ay refrigerator ang inilalabas ng nagkakawanggawa na nais mamigay ng libreng  pagkain sa mga nangangailangan, mahihirap  o nagugutom o walang makain.

Pero nakakahanga naman talaga ang idea ng community pantry na sinimulan ng isang babaing negosyante sa Quezon City dahil tinutugon nito ang kakapusang nararanasan ng maraming mamamayan dulot ng pandemya. Nagmukha siyang bago  na tila nagbigay ng isang solusyon sa mga kagipitang nararanasan sa kasalukuyan ng marami nating kababayan.

Ideya na tinularan sa iba’t ibang bahagi ng bansa na umaabot na sa mahigit 300 ang bilang. Nakalulungkot at nakakadismaya lang na merong nagbigay ng malisya o intriga sa konsepto ng  community pantry na lumilihis sa tunay na magandang hangarin nito.

Pero hindi naman natigatig ang mga nag-oorganisa ng mga community pantry at tuloy pa rin ang kanilang aktibidad sa pagtulong nila sa mga nangangailangan. Sa katunayan, pinupuri at ipinagtanggol ito nang maraming opisyal ng gobyerno, lokal na lider, mga mambabatas at iba pang mga kilalang  personalidad dahil sa maganda nitong layunin.

Email: [email protected]

vuukle comment

COMMUNITY PANTRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with