^

Punto Mo

Nabibiktima ng online scams, dumoble

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May babala ang mga awtoridad sa publiko sa dumaraming online scams lalo na ngayong holiday season.

Ito ay matapos ngang maitala na dumoble ang mga reklamo laban sa online scams kumpara noong nakalipas na taon.

Dahil naman ito sa mas marami ngayon ang nakikipag-ugnayan online dahil na rin sa quarantine restrictions dulot ng pandemiya ng COVID-19.

Ayon sa pulisya kadalasan umano bagama’t nakikipagtransakyon nga sa lehitimong online platform pero ang nagiging siste nakikipag-usap sa labas. 

Doon na umano magkakaroon ng transaction na kadalasan eh hindi naman dumarating ang kanilang binili, ibig sabihin nangantso na.

Dapat din umanong magduda na kung masyadong mataas ang discount na dapat na ma-check at huwag agad-agad na naglalabas ng pera.

Magduda  rin kapag masyadong nagmamadali o ‘yung tipong may urgency,  dapat na ma-check itong mabuti. 

Ayon naman sa NBI uso na rin ngayon ang phishing na dapat ding ingatan.

Ito ‘yung pagkuha ng account information sa mga e-mail kaugnay ng mga umano’y napanalunang gift certificate, rewards, credit card upgrade at alok na work from home.

Meron din at tumataas ang tinatawag na utility scam, kung nagpapanggap na staff ng mga utility company ang mga kawatan.

Mauutak nga pala ang mga ito, dahil ang modus mini-mimic ng mga hacker ‘yun, ng mga scammer  na akala mo nagbabayad ka raw ng kuryente, yun pala ‘yung account nila (scammer) ang binabayaran mo, ayon yan sa NBI.

Sa datos ng pulisya, nito lamang buwan ng Nobyembre, umabot sa 204 ang naitalang online scams.

Pinakamarami nga rito ang mga kaso ng online selling scam o ang mga hindi dumarating ang binibili online.

Kaya dapat maging mapagmatyag at mas makabubuti na bumili sa mga lehitimong platform na magloko man ay madaling mahahabol ng mga kinauukulan.

 

vuukle comment

HOLIDAY SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with