^

Punto Mo

‘No contact apprehension’, at ‘dispalinghadong’ stop light

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Magpapatupad ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng ‘no-contact apprehension’ sa mga lumalabag sa batas trapiko­ sa kanilang mga pangunahing lansangan.

Layon nito na gawing disiplinado at patuloy na sumunod sa mga batas trapiko ang mga motorista may bantay man o wala.

Bukod pa nga sa maiiwasan nito ang kotongan sa lansangan dahil walang pagkakataon na magkaharap ang lumabag na driver at ang humuhuling traffic enforcer .

Naglagay na ng mga malinaw na CCTV sa mga estratihikong intersection sa iba’t ibang kalsada sa Maynila na siyang magiging mata sa lahat ng mga dumadaang sasakyan.

Dahil nga walang contact, darating na lang sa‘yo ang notice of violation.

Mataas ang nakalaang multa na dapat agad na mabayaran, dahil kung hindi mag-aapir ito sa record ng sasakyan at malamang na magkaproblema ang may-ari sa pagpaparehistro nito.

Una nang ipinatupad sa kahabaan ang EDSA ang ‘no contact apprehension’ sa mga luma­labag sa batas trapiko.

Maganda ang programang ito, dahil nga matuturuan ang mga motorista na kusang sumunod sa batas may nagmamando man o wala.

Gayunman, may giit lang naman ang ilang motorista base sa kanilang naging experience,  na sana raw ay maiiayos na mabuti ang mga stop light na madalas din daw na ‘ineeksperimento’ o ginugulo  ng kung sino.

May ilang stop light daw lalu na sa kahabaan ng Espana, na kahit hindi pa tapos ang bilang eh biglang magpupula.

Siyempre may ilang motorista na magtutuluy-tuloy dahil alam nila ang bilang tapos biglang mag-iistap.

Sa unahan nito may nakaabang na agad na enforcer na huhuli at sinasabing beating the red light daw.

Hindi naman kaya ito modus ng ilang tiwali , ang stop light ang ginugulo para malito ang motorista.

Paki silip nga po ito, Yorme.

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with