^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (184)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKA malaglag ang mga mata mo Sweet,” sabing nagtatawa ni Ziarah. Naka-two piece si Ziarah. Iyon ang bikini na suot niya nang gabing magtago si Jonas sa secret na kuwarto at unang nakita ang kanyang katawan.

“Hindi lang mga mata ko ang nalalaglag, Love, pati ang shorts ko, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Ziarah.

Napansin ni Ziarah na ang mga tao sa paligid ay nakatingin sa kanya. Sa isip niya, humahanga ang mga ito sa kanya. Siguro nga’y maganda ang katawan niya.

Hindi siya titingnan kung walang nakitang kakaiba. Nakakadama tuloy siya nang pagkapahiya. Pero siya na rin ang bumawi sa kanyang nadaramang pagkapahiya. Bakit ba siya mahihiya e mas maganda ang katawan niya. Dapat pa nga siyang magmalaki.

“Halika na nga Love, dun tayo sa walang gaanong tao. Marami ang tumitingin sa iyo rito. Hindi tuloy kita masolo.’’

Nagtawa lang si Ziarah.

Magkahawak-kamay silang naglakad sa malinis na puting buhangin. Masarap tapakan ng buhangin.

“Matagal kong pinangarap na makapag-beach, Sweet. Hindi ko akalain na matutupad agad ang pangarap ko.’’

“Walang imposible sa nangangarap Love. Ako man ay nangarap din noon at natupad. Nagsikap ako, nagtiyaga at nakamit ko.’’

“Alam ko, Sweet. Di na naikuwento mo na ulilang lubos ka at ang tiyahin mo ang nagpalaki at nagpaaral sa iyo.’’

“Oo. Hindi ko malilimutan ang pagtulong sa akin ng tiyahin ko at dahil dun, naipangako ko na tutulong din sa iba. Ibabalik ko ang ginawang kabutihan sa akin.’’

“Sa akin mo ibinalik, Sweet. Kinupkop mo ako at pinag-aral at binigyan ng pag-asa. At ngayon ay minahal mo nang labis.’’

“Tama ka Love, labis kitang mahal. Walang kapantay.’’

“Ganundin ako Sweet. Mahal na mahal kita.’’

Nagpatuloy sila sa pag­lalakad. Hinahalikan ng alon ang kanilang mga paa.

Hindi nila maipaliwanag ang kaligayahang nadarama ng mga oras na iyon.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with