^

Punto Mo

EDITORYAL - Leptospirosis

Pang-masa

BUMAHA sa maraming lugar sa Metro Manila at ilang probinsiya dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Inday. Hanggang tuhod ang tubig baha. Kinatatakutan ngayon ang pagdami ng kaso ng leptospirosis na nakukuha sa kontaminadong tubig baha.

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa paglusong sa baha na kontaminado ng ihi ng daga. Ayon sa DOH, kung lulusong sa baha, magsuot ng bota. Huwag lumusong kung may sugat sa paa, binti o hita, sapagkat dito pumapasok ang virus.

Sa unang anim na buwan ng taon, 82 kaso ng leptospirosis ang naitala sa Quezon City, kabilang ang siyam na leptospirosis-related deaths. Mas mababa ito ng 2.38 percent kumpara sa kaso ng leptospirosis sa parehong panahon noong 2025. 

Noong nakaraang taon, tumaas ng 38 percent ang kaso ng leptospirosis sa kaparehong buwan. Pinakamataas ang kaso sa Davao City na nakapagtala ng 94 na kaso at 23 ang namatay. Dumami rin ang kaso sa Cordillera Region na nakapagtala ng 22 kaso.

Sabi ng DOH huwag balewalain ang leptospirosis. Kapag marumi ang paligid, maraming daga at ang mga ito ang pinanggagalingan ng virus. Sintomas ng leptospirosis. ang lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, paninilaw ng balat, pananakit ng ulo at kulay tsa ang ihi. Kapag nakaranas ng sintomas, dalhin agad sa ospital ang biktima.

Karamihan sa mga nagkaka-leptospirosis ay mga bata na madalas magtampisaw sa baha. Sa mga kal­sada sa Metro Manila karaniwan nang makakakita ng mga batang nakalublob sa baha. Mayroon ding dumadayb sa estero. Walang pakialam ang mga bata habang naglulunoy sa baha.

Noong nakaraang taon, sinabi ng DOH na makikipag-ugnayan sila sa LGUs para tuluyang ipagbawal ang paliligo sa baha. Noong nakaraang taon din dumami ang nga nagka-leptospirosis at nagsiksikan sa mga ospital ang mga pasyente.

Sa ganitong sitwasyon, nararapat magtulung-tulong ang mamamayan sa paglipol sa mga daga na naghahatid ng leptospirosis. Ang unang hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay.

Magsagawa nang maigting na kampanya ang DOH upang maipabatid sa publiko ang panganib ng leptospirosis. Kapag tinamaan ng leptospirosis, naaapektuhan o nasisira ang kidney kaya isinasailalim sa dialysis ang pasyente.

Sundin ang paalala ng DOH na mag-ingat sa sakit. Sa mga magulang, bantayan ang inyong mga anak. Huwag silang hayaan maligo sa baha na may ihi ng daga. Huwag balewalain ang mga babala ng DOH.

TYPHOON INDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with