^

Punto Mo

Magkaisa upang labanan ang depression

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

BAGO pa man magkaroon ng COVID-19 pandemic, ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa may pinakamataas na kaso ng depression sa Southeast Asia. Ang depression ay ang damdamin ng kawalang-magagawa at kawalang pag-asa na humahantong sa matinding kalungkutan, kawalan ng interest sa dating ginagawa, pananamlay sa pagkain, at hirap sa pagtulog. 

Ayon sa 2017 WHO Report, mahigit sa tatlong milyong Pilipino ang dumaranas ng depression taun-taon. Ngayong ang Pilipinas ang nangunguna sa kaso ng COVID-19 sa buong Western Pacific, tiyak na lalong tumaas pa ang kaso ng depression. Sa isang survey na ginawa kamakailan ng Premier Value Provider (PVP), isang kompanyang nagbibigay ng payo tungkol sa human resource, organizational development at customer’s satisfaction, lumabas ang mga sumusunod:

Una, ang mga kabataan, lalo na ang mga estudyante, ang higit na dumaranas ng stress, anxiety at depression. Kinumpirma ito ng isang UN Paper na nagsabi na ang mga kabataan sa buong mundo ay nangangamba sa kanilang kinabukasan, sapagkat nagsara ang mga eskwelahan, walang mga pagsusulit, at lumiit ang pag-asa sa magandang ekonomiya. Dahil dito, may malaking responsibilidad ang DepEd na pag-aralan ang epektibong pamamaraan ng pagtuturo at kung anong mga kurso ang relevant pa sa ating panahon. Talagang binago ng COVID-19 pandemic ang landscape ng buong mundo. The world will never be the same again, kaya’t ang tawag natin ngayon sa mga bagong kalakaran ay New Normal.

Ikalawa, ang pagsasama-sama ng mag-asawa at mga anak sa panahon ng quarantine ay mabuti sa mental health. Napatunayan na nababawasan nang malaki ang epekto ng COVID-19 kapag masayang magkakasama ang pamilya. Malaki ang maitutulong ng mga simbahan at eskwelahan sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino. Magsisimula ito sa pagbabago ng mga values at priorities.  Pinag-uusapan na ngayon sa Kamara ang pagpapatatag ng Value Education Program ng mga eskwelahan.

Ikatlo, nakadagdag nang halos limang beses sa depression ang work from home (WFH) arrangement. Nagulat ako rito, inakala ko na advantageous sa mga empleyado ang pamamaraang ito. Ang problema sa ganitong arrangement ay hindi na maihiwalay ang tahanan at ang trabaho. Mahalaga sa mental health na napaghihiwalay ang working in the office at being at home. Kailangang pag-isipang mabuti ng DOLE at ng employers ang benepisyo ng WFH.

Ikaapat, ang panonood sa telebisyon ng pelikula nang higit sa anim na oras o pagbababad sa social media nang dalawa hanggang tatlong oras ay nakapagpapataas ng depression. Mas mabuting gugulin ang oras sa pagbabasa ng libro, paggagarden, pagluluto, pagsasagawa ng mga do it yourself projects o pag-eexercise. Itinuturo sa atin ng COVID-19 pandemic ang kahalagahan ng pagbabago ng gawi ng pamumuhay o lifestyle.

Napakahalaga rin sa kabuuan ng mental health ang pagkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos, sarili, kapwa, at kalikasan.  Ito ang tinatawag ng mga Hebrews na Shalom na tunay na kahulugan ng kapayapaan. Ang tunay na kapayapaan ay hindi ang kawalan ng problema, kundi ang pagkakaroon ng tamang relasyon.

Hindi pwede ang pagkakanya-kanya. Kailangang magkapit-bisig ang gobyerno, simbahan, eskwelahan, at bawat Pilipino upang sa harap man ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic ay maganap pa rin ang sinabi ni Hesus sa Juan 10:10, “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.”

vuukle comment

DEPRESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with