^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (170)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAMANG-DAMA ni Ziarah ang masarap na halik ni Jonas. Ganun pala ang pakikipaghalikan. Pakiramdam ni Ziarah, mahal na mahal siya ni Jonas. At siya, noon pa man ay mahal na mahal na niya ito. Hindi nga lamang niya masabi dahil siyempre babae siya. Lalaki dapat ang magsasabi na mahal niya ang babae.

Pero paano kung nana-naginip lang pala si Jonas at hindi naman talaga siya minamahal nito.

Maraming beses nang nangyari ang ganito. Niyakap din siya ni Jonas noon. Nakahiga rin dito sa sopa.

At nang magkamalay ay saka sinabi na nananaginip lang daw. Humingi pa ito ng sorry. Hiyang-hiya nga ito sa kanya.

Ilang beses pang nangyari ang ganito. Noon natatandaan niya ay maysakit ito at habang nakahiga ay bigla siyang niyakap na para bang sabik na sabik.

Basta ganun ang nadara-ma niya.

Pero ngayon ay kakaiba ang ipinakita ni Jonas. Mainit na mainit ang pagpapadama niya.

Talagang naramdaman niya ang init.

Napahinga siya nang malalim at saka sinulyapan si Jonas.

Gising na pala ito.

Nakatingin at tila nakangiti sa kanya. Nakayakap pa rin ito sa kanya.

“Kuya nananaginip ka ba?’’

Lalong ngumiti si Jonas.

Nahiwagaan si Ziarah.

‘‘Kuya, sagutin mo ako. Nananaginip ka lang ba nang halikan mo ako?’’

Idinikit ni Jonas ang mukha sa taynga ni Ziarah at saka bumulong.

‘‘Hindi ako nananaginip. Totoo yun!’’

“Kuya!’’

Idinikit pa ni Jonas ang pisngi sa pisngi ni Ziarah at muling may sinabi.

‘‘Hindi ko na kayang timpiin pa ang sarili Ziarah.’’

‘‘Kuya?’’

‘‘Hindi ko na kaya Ziarah.’’

“Anong ibig mong sabihin Kuya?’’

Sa halip sagutin, muling hinalikan ni Jonas si Ziarah.

Mas mainit at may pagmamahal.

“Kuya…’’

Lumaban na si Ziarah sa init ng halik ni Jonas.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with