^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (2)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DUMAAN muna si Jonas sa libingan ng kan­yang Tiya Aurora at tahimik na namaalam. Hindi pa rin niya maitago ang labis na kalungkutan sa pagkamatay ng itinuring niyang ina kaya umiyak muli siya. Nangako na dadalawin na lamang ito.

Pagkatapos ng ilang mi­nu­tong pananatili sa libi­ngan ay umalis na si Jonas para dumi­retso na sa Maynila. Ka­ila­ngang makarating siya nang maaga sa Maynila dahil iyon ang pa­ngako niya sa siyotang si Katrina na darating siya. Hintay na hintay na siya ni Katrina.

Payapa siyang nagda-drive at katamtaman lamang ang pagpapatakbo. Paminsan-minsan ay naaalala niya ang yumaong tiya na nagpalaki sa kanya at nagpaaral. Hindi man lang sila nagkausap ng kanyang tiya bago ito namaalam.

Paglampas niya sa isang kur­­bada, natanaw niya ang isang babae sa di-kalayuan na nasa gilid ng kalsada at pumapara. May hawak na plastic bag ang babae. Sa tingin ni Jonas, hihingi ng tulong ang babae.

Habang papalapit si Jonas, walang tigil nang pagkaway ang babae.

Nagdalawang-isip si Jonas kung titigilan ang babae dahil alam niyang maraming modus ngayon na ang front ay babae. Kapag tumigil siya baka may sumulpot na lalaki at holdapin siya. Pero napansin naman ni Jonas na walang ibang kasama ang babae at ang lugar ay clear na clear.

Ipinasya ni Jonas na tumigil.

Ibinukas niya ang bintana ng kotse.

Lumapit ang babae sa bin­tana.

“Tulungan mo po ako, may humahabol sa akin!’’

“Sinong humahabol sa’yo!’’

“Ama-amahan ko po. may masama pong tangka sa akin. Parang awa mo na po pasakayin mo po ako para makalayo ako rito!’’

Nag-isip si Jonas. Tumingin siya sa paligid. Wala namang humahabol sa babae. Baka modus ito!

‘‘Wala namang humahabol sa’yo!’’

‘‘Meron po. Ayun po papalapit na rito. Parang awa mo na po.’’

Nang tingnan ni Jonas ang itinuro ng babae, may nakita nga siyang lalaki na papalapit!

‘‘Sige, halika!’’

Binuksan ni Jonas pinto.

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with