^

Punto Mo

Pinakamatandang lalaki sa mundo: 112-anyos na hapones

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Hapones na palangiti at mahilig sa matatamis ang opisyal nang kinilala bilang pinakamatandang lalaki sa mundo sa edad na 112 years at 344 days old.

Ipinanganak si Chitetsu Watanabe sa northern Japan noong 1907 at naging opisyal siyang ‘world’s oldest man alive’ nitong nakaraang Miyerkules, nang matanggap niya ang certificate mula sa Guinness World Records sa tinitirhan niyang nursing home.

Nakuha ni Watanabe ang titulo matapos yumao ang kababayan niyang si Masazo Nonaka noong isang buwan. Ang pinakamatandang babae sa mundo ay isa ring Japanese — si Kane Tanaka na ngayon ay 117 taong gulang na.

Nagsilbing sundalo si Watanabe noong World War 2, bago siya nagtrabaho sa isang agricultural office kung saan siya nagretiro noong 1970s.

Nang tanungin kung ano ang sikreto niya sa pagkakaroon ng mahabang buhay ay simple lang ang sagot ni Watanabe: ang iwasang magalit at palaging ngumiti.

vuukle comment

CHITETSU WATANABE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with