^

Punto Mo

Boss Digong duda kay VP Leni?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG na imbierna si Boss Digong sa meeting ni VP Leni Robredo sa mga sinasabing kuma-kalaban sa isinusulong na drug war ng Malacañang kaya sa sama ng loob ng una hindi na siya kasali sa pagpupulong ng mga cabinet members sa Palasyo kahit na siya ang drug czar.

Naku, patay!

Bakit?

Nagpa-bright, bright kasi si VP Leni ng makipagsatsatan ng ma­kipagpulong ito sa mga foreign personalities na naghuhugas este mali humuhusga pala sa kampanyang ‘war on drugs’ dahil ang istilo diumano ay paglabag sa karapatang pantao?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Dapat kasi ang mag-usap ay sina Boss Digong, VP Leni at mga kasamahan ahensiya na may kinalaman sa giyera laban sa droga para magkaintindihan kung paano ang dapat gawin para mas lalong maging positibo ang kampanya against illegal drugs at hindi kung sinu-sinong na dehins naman Pinoy citizens. 

Kaya kung si Boss Digong ang tatanungin mukhang wala siyang tiwala sa lakad ni VP Leni porke namomolitika na diumano ito para sa 2022?

Totoo kaya?

Sabi nga, imbes na magtulungan ay mukhang nagsisiraan pa?

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

• • • • • •

Ospital ng Muntinlupa, nag-medical mission sa Kidapawan City 

BABAHAIN nang mga doktor, dentista at nurses mula sa Ospital ng Muntinlupa sa pangunguna ni Atty. Edwin Dimatatac, MD, Medical Director,  kasi magsasagawa sila ng ‘medical mission’ sa Kidapawan City, North Cotabato, bukas ng umaga.

Sina Dr.  Dimatactac,  Atty Biyong Garing at ang medical team   ay agad magtutungo sa evacuation site para magbigay sila ng tulong sa mga bakwit na nangangailangan ng  medical attention.  

Sinabi ni Atty. Biyong, bukod sa kanilang grupo ay darating din sa nasabing lugar ang Jobs Daughter ng Cavite, para sa layunin ito. 

Ikinatuwa ng mga bakwit ng mabalitaan nila na ang grupo ni Atty./ Dr. Dimatactac ang magbibigay sa kanila ng tulong kaya naman hanga sila dito dahil bagay na maging Secretary of Health ang butihin doktor at abogado pa.

Sa ipinakitang tulong at suporta ng Jobs Daughter of Cavite sana pagpalain kayo ni Allah !

Sabi nga, SO MOTE IT BE !

vuukle comment

LENI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with