^

Punto Mo

Funny quotes

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 3)

…mula sa dating Presidente ng Zimbabwe, Robert Mugabe

Sa mga kababayan kong nagpaputi. Kung sa judgement day ay hindi nag-match ang hitsura ninyo sa litratong nasa laptop ni Angel Gabriel, huwag na kayong makipagtalo, just go to hell!

Ang inyong pastor ay may anim na bodyguard samantalang ang proteksiyon lang ninyo ay ang sticker mula sa kanya na nakadikit sa kotse ninyo.

Kung ang lahat ng mga babae sa buong mundo ay magkakasundo na hindi muna sila makikipag-sex hangga’t hindi pa natutuklasan ang panlunas sa AIDS…tiyak na mamadaliin ng mga kalalakihan na makatuklas ng gamot para dito sa loob lang ng 30 araw.

Piloto ba ang boyfriend mo? Kasi tuwing tatawagan mo siya ay hindi ka niya sinasagot. Katwiran niya, lagi raw nasa airplane mode ang cellphone niya.

Payo sa kalalakihan: Galingan mo, kung ang hahalikan mo ay isang babae na iba ang nationality kaysa iyo, dahil kinakatawan mo ang buo mong bansa.

Hinahangaan ko talaga ang mga kalalakihang nabuhay noong Stone Age. Biruin mo, nakapokus pa rin sila sa kanilang ginagawa kahit napapaligiran sila ng mga babaeng walang saplot sa katawan.

Kapag teachers ang nag-strike, itinatapon nila ang chalk. Kapag doktor ang nag-strike, itinatapon nila ang mga gamot. Kapag sundalo ang nag-strike, itinatapon nila ang kanilang baril. Kailan kaya mag-i-strike, ang mga bankers?

Bakit kapag nagsisimulang gumanda ang takbo ng buhay ninyong mag-asawa, biglang susulpot ang demonyo at bibigyan ka ng “girlfriend’?

Tayo ay nabubuhay sa makabagong henerasyon kung saan libreng maghipuan ng “private parts” ang magkarelasyon pero bawal maghipuan ng kanya-kanyang cellphone dahil iyon ay “private property”.

vuukle comment

JUDGEMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with