^

Punto Mo

Sugar Mommy (168)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAYROON akong sasabihin na mahalaga sa’yo, Maia,” sabi ni Jericho nang dalawin ito ng Biyernes na iyon, dakong ala-una. Seryoso si Jericho sa pagsasalita kaya medyo kinabahan si Maia.

“Ano yun, Jericho?’’

“Gusto ko, pag-uwi natin sa Disyembre, magpakasal na tayo.’’

Lalo nang hindi agad nakapagsalita dahil sa kabig­laanan si Maia. Pero nabigla man, masaya siya. Sino bang babae ang hindi masisiyahan kung yayain ng lalaki na pa­kasal. Lalo pa nga at mahal na mahal niya ang lalaki.

“Payag ka, Maia?’’
“Ha? Oo! Oo!”

“Gulat na gulat ka Maia?’’

“Oo Jericho. Kasi hindi ko inaasahan ang pagyayaya mo. Talagang nagulat ako.’’

“Naisip ko kasi, ano pa ang hinihintay natin? Mayroon na naman tayong matatag na trabaho. Bakit kailangan pang patagalin? Gusto ko, magkasama na tayo habambuhay, Maia.’’

“Ako man, Jericho. Gusto ko rin na magkasama na tayo kahit saan.’’

“Kaya may panahon pa tayo para makapagprepara. May six months pa tayo para mag-prepare.’’
“Kahit hindi bonggang kasalan, Jericho, okey sa akin. Hindi ako naghahangad nang engrande. Kahit mga malalapit na kamag-anak lang natin ang guest ay okey na.’’

“Sige, Maia.’’

“Basta kung ano ang gusto mo, ikaw ang masusunod Jericho. Sunud-sunuran ako sa’yo.’’

“Salamat sa pagtitiwala, Maia.’’

“Nasasabik na ako sa kasal natin, Jericho.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with