^

Punto Mo

Ang lalaking hindi marunong lumangoy

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

George Lucas 

BINATA na ay hindi pa siya marunong lumangoy. Ito ang kapintasang madalas ikantiyaw sa kanya na nagiging dahilan ng kanyang pagkapahiya. Bata pa ay mahilig na siya sa photography. Nang maging adult ay naging interesado sa cinematography. Sa kanyang mga interview, lagi niyang sinasabi na kaya siya nangarap maging isang mahusay na filmmaker ay upang makabawi sa pagiging bopols sa swimming.

Nag-enrol siya sa University of Southern California School of Cinematic Arts at kumuha ng Bachelor of Fine Arts in Film. Nag-concentrate siya sa camera work and editing, lighting, special effects. Naisipang magsulat ni George ng script. Ngunit nang ialok niya ito sa mga producers, ito ay kanilang ni-reject dahil mahirap daw intindihin ang istorya.

Inayos niyang muli ang script upang mas mabilis maintindihan ang istorya. Pagkaraan ng apat na taon, may tumanggap din sa script, ginawa itong pelikula na may pamagat na Star Wars. Akalain mo bang magiging “Highest grossing film of all time” ang script na ilang beses tinanggihan ng mga producers?

Si George Lucas din ang creator ng Indiana Jones. Hindi man siya makalangoy sa tubig, ngayon naman ay lumala-ngoy siya sa pera. Si George Lucas ay isa sa mga kinikilalang American film industry’s most financially successful directors/producers, with an estimated net worth of $3.2 billion as of 2011.

vuukle comment

GEORGE LUCAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with