^

Punto Mo

Lalaki sa Utah, naka-shoot mula sa half court gamit ang ulo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HALOS imposible nang maka-shoot ng bola mula sa gitna ng basketball court ngunit isang lalaki sa Utah ang nagawa ito nang hindi pa ginagamit ang kanyang mga kamay.

Nagawa kasing mai-shoot ni Josiah Brannon ang bola sa pamamagitan ng kanyang ulo habang siya ay nakatayo pa sa half court.

Dahil nai-shoot niya sa layong 38 feet at 3.5 inches ang bola ay opisyal nang tinanghal ng Guinness World Records si Brannon bilang isang world record holder.

Lamang kasi ng 14 inches ang distansiya ng kanyang tira kaysa sa dating world record na naitala ng Youtuber na si Tyler Toney.

Isinagawa ni Brannon ang kanyang world record attempt sa kanyang high school, kung saan nag-iwan siya ng kopya ng Guinness World Record certificate upang magbigay inspirasyon sa mga mag-aaral ng kanyang alma mater.

vuukle comment

JOSIAH BRANNON

UTAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with