^

Punto Mo

Mga hindi mo alam tungkol kay Melania Trump

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Last Part

Mula nang maging Presidente si Donald, tumaas ang bilang ng mga babaing sanggol na may pangalang Melania. Naging usap-usapan ang mga nakaraan ni Melania, halimbawa, ang pagpo-posed niya nang hubad sa panlalaking babasahin sa France. Ipinag-kibit balikat lang ito ni Donald at nagwika:  “In Europe, pictures like this are very fashionable and common.”

Idinemanda ni Melania ang diyaryong Daily Mail dahil isinulat nila na ito ay nagtrabaho bilang escort bukod sa pagiging model. Nalathala ang balitang ito sa kasagsagan ng US campaign election. Sa bandang huli ay binawi ng Daily Mail ang kanilang statement at humingi ng paumanhin. Pero napabayad pa rin ang publication ng more or less $3 million sa kampo ni Melania.

Si Donald Trump lang ang nakatira sa White House noong unang taon ng kanyang panunungkulan. Sina Melania at anak na si Barron ay nanatiling nasa kanilang tahanan sa New York. Ayaw nilang mag-transfer ng school si Barron. Mas ginusto nila na tapusin ng anak ang kanyang 5th grade studies sa New York.

Noong August 2018, sina Viktor at Amalija Knavs ay pinagkalooban ng US citizenship sa pamamagitan ng sponsorship ng kanilang anak na si Melania. Sponsorship ang isa sa mga categories ng family visa na gustong tanggalin ng Trump administration.

Ang height ni Melania ay 5’11. Sila nina Michelle Obama at Eleonor Roosevelt ang pinakamatatangkad na First Lady.

Silang dalawa lang ni Jacquelyn Kennedy ang first ladies na Katoliko.

vuukle comment

MELANIA TRUMP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with