^

Punto Mo

EDITORYAL - Dagdag na tax sa yosi at alak

Pang-masa
EDITORYAL - Dagdag na tax sa yosi at alak

TIYAK na marami na ang bibitiw sa bisyong sigarilyo at alak kapag ipinatupad na ang dagdag na buwis para sa mga ito. Simula sa Hulyo 2019, bawat pakete ng sigarilyo ay bubuwisan ng P37.50 samantalang ang alak (whisky at brandy) ay tataas ng 22 percent ad valorem tax per proof at may karagdagan pang specific tax na P30 bawat litro.

Ang pagtataas ng buwis sa sigarilyo ay nakasaad sa House Bill 8677 at ang sa alak ay sa House Bill 8618 na pawang ina­prubahan ng Kongreso noong nakaraang Disyembre.

Sa kasalukuyan, nagkakahalaga ng P5 (depende sa brand) ang bawat stick ng sigarilyo. Kapag ipinatupad ang bagong tax, maaaring P10 o mahigit pa ang bawat stick. Matindi rin ang maidadagdag sa presyo ng alak lalo pa’t ilan sa mga kilalang brand ay imported. Bago makainom ng brandy o whisky, magtatapon ng libong piso ang mga manginginom.

Sa aming palagay kahit pa gawing P100 ang bawat stick ng yosi at P1,000 ang bawat baso ng alak, marami pa rin ang bibili nito dahil sa pagkasugapa. Mas makaka-afford ang mga mayayaman kaya balewala sa kanila ang magtapon ng pera.

Mas magkakaroon ito ng epekto sa mga may bisyo na kakaunti ang sinasahod. Malamang na bumitiw na sila at ito naman ang hinahangad ng pamahalaan – mailigtas sa sakit ang mamamayan mula sa cancer sa baga, atay, lalamunan, labi, sakit sa puso at iba pang nakamamatay na sakit.

Dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo at pag-inom ng alak, gumagastos ng bilyong piso ang pamahalaan sa mga pampublikong ospital. Kung wala nang magkakasakit dahil sa alak at sigarilyo, ang pondong makukuha sa buwis ay maaari nang gastusin sa iba pang serbisyo publiko.

Ayon sa World Health Organization (WHO), limang milyong tao ang namamatay taun-taon at maaaring lomobo ito sa walong milyon sa pagdating ng 2030 kung hindi magkakaroon nang seryosong kampanya sa paninigarilyo.

Magandang hakbang ang ginawa ng Presidente sa pag-aapruba ng taxes sa sigarilyo at alak. Noon pa, tutol na siya sa paninigarilyo. Sa Davao City kung saan siya naging mayor, bawal ang manigarilyo sa pampublikong lugar. Noong Mayo 2017, nilagdaan niya ang Executive Order No. 26 na nagbabawal manigarilyo sa pampublikong lugar sa buong bansa. Masaklap lang hindi ito lubusang naipatutupad.

vuukle comment

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with