^

Punto Mo

Labrusca should be deported -- Locsin

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

DAPAT lang ma-deport si Tony Labrusca, ang Fil-American actor na hindi gaanong kilalang artista sa Philippines my Philippines dahil sa mga ginawa nitong eksena sa NAIA ng dumating ito todits.

Ganito rin ang gustong mangyari ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na ma-deport si Labrusca.

Bhe, buti nga !

Sabi ng mga airport observers, malaking kahihiyan sa dalawang immigration officers ang pinaggagawa ni Labrusca sa kanila dahil sa rami ng mga pasaherong nakarinig sa mga oras na iyon ng hindi magandang pinagsasabi nito.

Nagalit kasi si Labrusca sa immigration officer ng bigyan lang at paluan ng tatak ang kanyang US passport ng good for 30 days lamang siya sa Philippines my Philippines.

Humingi ng paumanhin si Labrusca sa insidente. Hindi na raw alam kasi ang mga patakaran na kailangan kasama niya ang kanyang pinoy parent para maging kualipikado para sa isang balikbayan stamp.

Sa ngayon ay puedeng manatili sa Philippines my Philippines ng 30 days si Labrusca pero pag-aaralan muna siguro ng Bureau of Immigration ang deportation nito dahil sa kahilingan na rin ni Secretary Locsin.

Sabi nga, dapat lang bigyan ng parusa si Labrusca at hindi ‘sorry’ ang dapat niyang sabihin sa mga immigration officers na sinaktan niya ang mga damdamin at napahiya hindi lang sa mga pasahero kundi maging sa mga kasamahan nito habang nasa immigration counters at nanonood at napapakinggan ang mga pinagsasabi nito.

Ayon sa mga impormasyon, binubulatlat ngayon kung may working permit si Labrusca sa mga ginawa nitong pagtatanghal habang nasa Philippines my Philippines siya noong mga nagdaan mga taon.

Sabi ng BI, kay Labrusca, isang-taon na visa privilege para sa mga dating pinoy at ang kanilang ang immediate family members na kasama dapat niya sa paglalakbay dito.

Binigyan ng 30 days ng NAIA - Immigration officer si Labrusca na manatili sa Philippines my Philippines pero gustong ipa-deport ni DFA Secretary Locsin ito !

‘Sino kaya ang masusunod si Secretary Locsin o ang 30 days period ng BI ?’

Abangan.

* * *

Anomalya sa BI, anong nangyari sa imbestigasyon ?

May mga opisyal ng Bureau of Immigration ang sinibak ni BI Commissioner Jaime Morente bago magpasko dahil umalingawngaw  diumano sa mga anomalya ang kanilang mga pangalan ?

Naku ha !

Ano ito ?

Ang ipinagtataka ng mga observers ang mga sinibak ay hindi man lang nakasuhan o nakalkal sa sinasabing anomalyang ikinasabit nila.

Sabi nga, kung totoo ang mga paratang.

Sinasabing pumutok ang mga pangalan ng mga sinibak na mga opisyal ng BI dahil sa pag-iisyu daw nang mga kaduda-dudang  ‘special working permits, 9G o working visa, at ang visa upon arrival.’

May mga nagbubulong na malaking salapi ang nadungas umano ng mga immigration officials na pinagsisibak ni Morente pero ang pinagtataka nila ay bakit walang imbestigasyon ang bureau tungkol dito.

‘Ang DOJ thru NBI diumano ang siyang naghuhukay ng mga ebidensiya para madiin ang mga nagputukan pangalan ng mga immigration officials.’

Isa sa dalawang police officials ang nagbitiw na diumano sa Immigration kung nasaan ito ngayon yan kayo ang maghanap.

Ang isang police official ay nasa office ni Morente pa .

Abangan.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with