^

Punto Mo

Utol (16)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY pa rin si Na­nay Luisa sa pagkuku­wento kay Gerald ukol sa nangyari kina Sir Jaime (papa ni Gerald) at nang magandang maid na si Catalina. Bagama’t alam na ni Gerald ang bahaging iyon ng kuwento dahil naisalaysay na ng kanyang papa noon, mas detalyado ang kuwento ni Nanay Luisa dahil pinagtapat mismo sa kanya ni Catalina.

“Ayon kay Catalina, ta­gum­pay niyang naisuot ang brief kay Sir Jaime kahit pa pikitmata iyon sapagkat nakakahiya. Pero dahil natatakot siyang magkasakit si Sir Jaime, lakas-loob niyang ginawa.

“Nang nasuutan  na niya ng brief ay tinakpan niya ng tuwalya ang bahaging iyon at saka pinunasan ng mali-gamgam na tubig si Sir Jaime. Pagkaraang mapunasan, ini­handa niya ang bihisan nitong pajama.

“Sinuutan niya ng paja­ma. Pero nang susuutan na niya ito ng puti na t-shirt ay bigla raw nagkamalay si Sir Jaime. Nahimasmasan na sa pagkalasing. Siguro’y dahil sa pagkakapunas niya rito.

“Nagkatinginan daw sila. Hanggang sa ibaba raw niya ang paningin. Hindi niya kayang makipagtinginan.

“Hanggang sa bigla na lamang daw siyang halikan sa labi ni Sir Jaime. Mainit na mainit daw ang labi ni Sir. Nag-aapoy daw.

“Hindi siya nakatanggi sapagkat noon pa, may lihim na raw siyang pagta­tangi rito. Lalo pa raw diniin ni Sir Jaime ang labi nito sa kanyang maninipis na labi. Nagbabaga raw ang labi ni Sir.’’

“Hanggang sa nagpati­anod na lamang siya. Para siyang bangkang papel na siniklut-siklot ng alon. Napakasarap daw ng pagkakahalik ni Sir na lahat ay nakalimutan niya.

“Hanggang gumala raw ang kanang palad ni Sir sa kanyang katawan. Nagsaliksik ito…” (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with