^

Punto Mo

Basurang ikinalat mo, babalik sa ‘yo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ang kapal, grabe talaga, nakakapag-init nang husto sa ulo ng marami ang nag-viral video ng mag-ina nawalang habas na itinatapon ang kanilang basura sa baha sa kalsada d’yan sa Brgy. 67 sa Caloocan City noong isang linggo.

Kung anu-ano tuloy ang itinawag sa kanila ng netizen, ‘balasubas’, ‘baboy’ at kung anu-ano pa.

Pero naman kasi matindi ang mga ito, iyong nakaligpit na basura ikinalat pa.

Pinaanod sa hindi naman kalalimang baha sa kalsada kung saan kitang-kita pa na winawalis o itinataboy papalayo sa kanila.

Talagang burara at hindi mo masabi kung anong klaseng tao ang mga ito.

Kung ang kanilang barangay, pasemi-seminar lang ang ipapataw ditong kaparusahan, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)hindi sila papalagpasin.

Papanagutin, ayon nga kay MMDA chairman Danilo Lim.

Dapat lang talaga kasi kung paaalpasin hindi magtatanda ang mga ito, dapat masampolan ang ganitong mga tao.

Kaya talaga hindi mareso-resolba ang matinding pagbaha sa bansa dahil sa kawalan ng disiplina ng marami.

May kasabihang basurang itinapon mo babalik sa yo, kaya nga sigaw ng mga netizen ibalik sa bahay ng mag-ina ang mga basura.

Dapat din siguro isailalim ang mga ito sa community service, kung pwede paglinisin ng creek para maramdaman nila kung anong perwisyo ang ginagawa nila sa mga daluyan ng tubig.

Dapat hindi palagpasin ng MMDA at ang barangay huwag namang lalamya-lamya sa pagpapatupad sa mga ordinansa at batas. Ano pa ang silbi kapag ganyan.

vuukle comment

BASURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with