^

Punto Mo

Maraming sumasawsaw, sa inarestong 3 abogado!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kabi-kabila na naman ang ginagawang pagbatikos ng iba’t-ibang grupo kabilang na rito ang Commission on Human Rights (CHR) at ngayon nga ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa isinagawang operasyon ng PNP sa isang bar sa Makati City na may kinalaman sa transaksyon ng ilegal na droga at pagdakip sa tatlong abogado.

Sa kabila nito, binigyang parangal ng pamunuan ng PNP ang mga pulis na kasama sa operasyon.

Bigla-bigla naman kasing pinalaki ang isyu sa operasyon na ito na lehitimo at positibo naman ang naging resulta kung saan nga nasamsam ang mga ilegal na droga sa loob ng bar na sinasabing ginagawang lugar ng transaksyon .

Keso bakit daw pati yung tatlong abogado na tumutupad lang sa atas ng kanilang kliyente ay dinampot at kinasuhan.

Ayon naman sa pulisya, hindi naman dadamputin at kakasuhan ang mga ito ng walang basehan lalu pa nga at may alam ang mga ito sa batas.

Pero mistulang sila yata ang nakalimot sa tamang batas.

May katwiran si Sen. Panfilo Lacson na dapat eh mabatid din ang panig ng mga pulis na tumutupad din lang sa atas ng kanilang tungkulin.

Tutal din lang may video naman sa operasyon bakit hindi rito magsimula ang basehan.

Matatandaan na hinuli noong Agosto 16 ng Makati City police ang mga abogadong sina Jan Vincent Sambrano Soliven, Lenie Rocel Elmido Rocha, at Romulo Bernard Bustamante Alarkon dahil sa umano’y “obstruction of justice” dahil sa ginawa nilang pagmamasid at pagsusulat ng notes habang nagsasagawa ng search at inventory ang mga pulis.

Marami ang sumasakay sa kasalukuyan, kung sa kanilang akala eh lumabag ang pulis sa pag-aresto sa tatlong abogado, magkaso sila.

Karapatan din ng mga pulis na kasuhan sila, ika nga ‘no one is above the law’ hindi komo abogado ka kapag ikaw ang inaresto o kinasuhan, mali o may paglabag.

vuukle comment

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with