^

Punto Mo

Higit sanlibong drones, pinagliwanag ang kalawakan sa china

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day, lumipad ang higit isang libong drones at pinagliwanag ang kalangitan sa lungsod ng Xi’an sa Shaanzi province sa China.

Nasa 1,347 drones ang sabay-sabay na lumipad habang umiilaw. Bumuo pa ng iba’t ibang pormasyon ang mga drones na sumisimbolo sa kasaysayan ng siyudad at ng iba’t ibang Chinese characters.

Pulgada lamang ang layo ng bawat isang drones mula sa isa’t isa at ang lahat ng mga ito ay kinokontrol ng isang tao lamang gamit ang computer.

Ayon sa organizers, isinagawa nila ang malawakang pagpapalipad ng drones hindi lamang para libangin ang mga turista sa kanilang siyudad kundi para ipakita rin na hindi lang ang tanyag na Terracotta Warriors ang dapat sadyain sa Xi’an.

Bagong world record ang naitala sa sabay-sabay na pag­lipad ng mga drones. Nahigitan nito ang 1,180 na drones na sabay-sabay ding lumipad noong isang taon sa Guangzhou, China nito lamang nakaraang Disyembre.

vuukle comment

DRONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with