^

Punto Mo

‘Salisi-kalawit’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KANYA-KANYANG diskarte ang mga kawatan at masa-samang-loob para lang mabuhay.

Pakalat-kalat sa mga lansangan nag-aabang ng mabibik- tima. Oportunidad lang ang kanilang hinihintay.

Kung dati mga nagkikipagsiksikan lang sa mga pampublikong sasakyan ang mga nahahablutan at nadudukutan, ngayon mas gumaling pa ang mga kawatan.

Pati mismong mga nagmamaneho na ng sariling sasakyan, nagagawa na rin nilang salisihan ng walang kahirap-hirap.

Tulad ng napitikan ng KILOS PRONTO nitong mga nakaraang araw sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City.

Habang nakahinto ang mga sasakyan dahil sa mabigat na trapiko, kaliwa’t kanan ding umaaligid ang mga kampon ng demonyo.

Salisi-kalawit kung tawagin naming ito sa KP. Ang nakakabahala, mga bata at hindi matatanda ang mga nandadagit ng gamit.

Pabor sa kanila kapag nakahinto ang sasakyan, nakababa ang bintana habang ang motorista, abala sa paggamit ng gadget.

Hindi na kasi nila kailangan pang mag-isip at magpapawis para makasalisi. Bilis lang ng pagpitik ng daliri siguradong kuha agad ang target.

Kapag nasalat na ang gadget mabilis din silang umeeskapo. Tumatalon sa mga concrete center island para hindi na mahabol pa.

Ang biktima namang motorista, dahil hindi pwedeng ihinto ang sasakyan, wala nang nagagawa kundi ang umuwi nalang luhaan.

Hindi lang ito nangyayari sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City bagkus maging sa iba pang mga lansangan kung saan laging mabigat ang daloy ng mga sasakyan.

Tandaan, hindi garantiya na kapag nasa loob ng sariling sasakyan, ligtas na sa mga mabibilis na kamay ng mga kawatan.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment

KILOS PRONTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with