^

Punto Mo

EDITORYAL - Buwis sa sigarilyo dagdagan pa

Pang-masa
EDITORYAL - Buwis sa sigarilyo dagdagan pa

MAY proposal ang Department of Finance na taasan ang tax rate ng sigarilyo. Kapag itinaas ang tax ng sigarilyo, tiyak na tataas din ang presyo nito at maaaring mahirap nang abutin ng mga naninigarilyo. Kapag nabigatan sila sa presyo, maaaring tumigil na sila sa bisyong ito. Sa kasalukuyan, hindi pa nabibigatan ang mga nagyoyosi sa pagbili sapagkat kaya pa ng bulsa. Kahit ang mga walang trabaho ay nakapagtatakang patuloy pa rin sa bisyong pagyoyosi. Kapag itinaas ang presyo, maaaring mahirapan na silang bumili. Isa itong magandang paraan para tuluyang itakwil ang yosi sa kanilang buhay.

Sinuportahan ng Department of Health (DOH) ang balak ng Finance department na taasan ang tax rate ng sigarilyo. Sabi ng DOH, ang pagtataas ng tax ay maaaring maging dahilan para bumitiw sa bisyo ang maraming Pilipino.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, isang magandang estratehiya ang balak ng Finance Department na magtaas ng tax. Ang Pilipinas daw ay isa sa mga bansa na may mababang presyo ng sigarilyo kaya naman marami pa rin ang nakakabili nito. Kumpara sa ibang bansa, halimbawa ay sa Australia, tumataginting na 50 dollars ang isang pakete ng sigarilyo. Parang ginto ang sigarilyo sa Australia. Dito sa Pilipinas, puwedeng makabili nang tingi-tingi sa tindahan. Kayang-kayang dukutin sa bulsa ang pambili ng isang stick.

Ngayong buwan na ito, ay lalagdaan na ni President Rodrigo Duterte ang isang Executive Order na nagbabawal sa paninigarilyo sa publikong lugar sa buong bansa. Kapag nalagdaan na, ipatutupad umano ito nang buong higpit. Ayon sa Presidente, maraming nagkakasakit dahil sa second smoke kaya panahon na para ipagbawal ang pagyoyosi sa publikong lugar.

Sabi ng DOH, nasa 87,600 Pilipino ang namamatay taun-taon dahil sa mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo. Kabilang sa mga sakit na nakukuha sa pagyoyosi ay cancer sa baga, bibig, lalamunan, pisngi, dila, emphysema, sakit sa puso at iba pa.

Taasan ang buwis ng sigarilyo para wala nang makabili nito. Iligtas sa pagkakasakit ang mga Pinoy.

vuukle comment

BUWIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with