^

Punto Mo

Oil tycoon sa Texas, namigay ng tig-$100,000 Christmas bonus sa kanyang mga empleyado

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SIKAT ngayon ang isang kompanya ng langis sa Texas matapos magpaka-Santa Claus ang may-ari nito na nagpamudmud ng limpak-limpak na salapi sa kanyang mga empleyado.

Para kasi ipagdiwang ang isang matagumpay na taon para sa kanyang kompanyang Hilcorp, namigay ng tig-$100,000 (katumbas ng P4.7 milyon) ang may-ari ng kompanya na si Jeff Hildebrand sa bawat isa sa kanyang halos 1,400 na employees.

Pagpasok ng 2015, nangako ang pamunuan ng Hilcorp sa mga empleyado nito na mamimigay ang kompanya ng $100,000 bonus kung pagbubutihin ng mga empleyado ang kanilang trabaho para sa taong ito. Mukhang naging kuntento naman ang pamunuan sa naging trabaho ng mga empleyado kaya tumupad ito sa pangakong pamimigay ng napakalaking Christmas bonus.

Hindi ito ang unang beses na namigay ang Hilcorp ng napakalaking bonus sa lahat ng empleyado nito. Noong 2010, nagawang doblehin ng Hilcorp ang napro-produce nitong langis kaya bilang pagpapasalamat sa mga empleyado ay pinapili ng kompanya ang bawat isa sa mga ito kung gusto nilang makatanggap ng kotseng nagkakahalaga ng $50,000  o cash na $35,000  bilang kanilang bonus.

Dahil sa pagiging galante nito sa mga empleyado ay tatlong sunud-sunod na taon nang nakakasama ang Hilcorp sa listahan ng “100 Best Companies to Work For” ng Fortune magazine simula noong 2013.

vuukle comment

ANG

BEST COMPANIES

DAHIL

EMPLEYADO

HILCORP

JEFF HILDEBRAND

MGA

MUKHANG

NOONG

SANTA CLAUS

WORK FOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with