^

Punto Mo

Manong Wen (221)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ILANG tawag pa ang ginawa ni Jo sa matanda subalit walang sagot sa kubo.

“Baka nasa ilog si Tatang Nado at nanghuhuli ng isda,” sabi ni Jo.

“Doon ba siya kumukuha ng iniuulam?’’

“Oo. Sagana ang ilog sa isda at hipon. Iyon ang ipi­nakain niya sa akin noong inalagaan ako.’’

Nanatili sa labas ng bahay ang dalawa. Maya-maya naka­rinig sila ng mga yabag na papalapit.

Hanggang matanaw nila ang pagdating ni Tatang Nado. May dala ito mga isda.

“Ayun siya! Sabi ko na nga ba at galing sa ilog. Ang daming nahuling isda.’’

“Siya pala si Tatang Nado. Matanda na pero tipong ma­lakas pa ang panga­ngatawan.’’

“Laging sariwa ang ki­nakain niya rito. Gulay at prutas, pawang sariwa. Paminsan-minsan lang daw siya kumakain ng karne. Kung minsan, karneng baboy damo ang iniuulam niya. Sariwang-sariwa raw.’’

“Kaya pala matipuno ang pangangatawan kahit past 60 na.’’

Sinalubong ni Jo si Tatang Nado at niyakap.

“Tatang Nado, tinupad ko ang pangako ko. Narito na ako. Kasama ko si Princess, nobya ko.’’

Nilapitan nila si Princess.

“Kumusta ka Princess?’’ bati ni Tatang Nado.

“Mabuti po Tatang.’’

“Halikayo sa kubo.’’

Tinungo nila ang kubo.

Ibinaba ni Tatang Nado ang mga isda sa lababo at kinuha ang mga hinog na lansones, saging at bayabas.

“Kumain muna kayo habang niluluto ko ang isda. Isi­sigang ko sa dahon ng alugi­hib. Masarap ang sabaw nito. Kumakain ka ba ng sini­gang na banak at tughod, Princess­?’’

“Opo, Tatang Nado.’’

“Sige, kain lang kayo diyan ng mga prutas. Madali lang magluto nito. Magsasaing na rin ako para makakain tayo. Masarap ang bigas ko, bagong ani sa kaingin.’’

Makalipas ang isang oras, luto na ang pagkain. Nagsandok si Tatang Nado. Umu­usok ang kanin. Mabango. Humalimuyak ang sinigang na isda. Sariwang-sariwa.

Kumain sila.

Habang kumakain, sinabi ni Jo sa matanda na natagpuan na niya ang asawa at anak nito.

Napatingin si Tatang Nado kay Jo.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYUN

ISDA

KUMAIN

MASARAP

NADO

SARIWANG

SHY

TATANG

TATANG NADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with