^

Punto Mo

EDITORYAL - Nananatiling matatag ang mga Pinoy

Pang-masa

KAHIT na hindi mag-survey sa mga Pilipino kung paano nila haharapin ang 2015, tiyak na ang isasagot nila ay pawang positibo. Naniniwala silang magkakaroon nang malaking pagbabago sa kanilang buhay ang bagong taon. Naniniwala silang uunlad ang kanilang buhay at makakamtan ang kanilang pangarap. Naniniwala silang malalampasan nang ganap ang mga pagsubok na dinanas noong 2014.

Maraming dinanas na kalamidad ang bansa sa nakaraang 2014. Nanalasa ang mga bagyo at mababanggit dito ang hagupit nina Glenda, Ruby at Seniang na nag-iwan din nang malaking pinsala. Malawak ang sakop ng pananalasa ni Glenda at maraming winasak na mga bahay at pananim sa Southern Luzon. Nanalasa naman si Ruby sa Kabisayaan na dating tinahak din ng bagyong Yolanda noong 2013. Noong nakaraang Lunes, nanalasa naman ang Bagyong Seniang sa Mindanao, nag-iwan ng 26 na patay.

Sa kabila ng mga dumaang kalamidad, nakatayo pa rin ang mga Pilipino at laging positibo. Matibay ang kanilang paniniwala na magkakaroon ng pagbabago sa kanilang buhay ngayong Bagong Taon.

Humahanga ang mga foreign volunteer sa nakitang katatagan ng mga biktima ng Yolanda noong 2013. Sa kabila raw na sinagasaan ng alon at nawasak ang mga bahay, hindi naman natangay ang pag-asa ng mga tao. Matibay ang pag-asa. Mahigit 6,000 katao at namatay sa Yolanda.

Sa kasalukuyan, bumabangon na ang mga biktima.

Punumpuno rin naman ng pag-asa ang mga taga-Bohol makaraang yanigin ng 7.2 magnitude ang probinsiya noong 2013. Sa kabila na nagiba ang kanilang mga bahay, malaki pa rin ang paniniwala na maitatayong muli ang nawasak. Sa kasalukuyan, nagkakaroon na ng katuparan ang kanilang pangarap. Naitayo na ng karamihan ang kanilang mga bahay.

Walang katulad ang mga Pinoy, punumpuno sila ng pag-asa kahit sinagasaan ng alon at niyanig ng lindol. Hararapin nila ang lahat ng pagsubok sa buhay.

vuukle comment

BAGONG TAON

BAGYONG SENIANG

GLENDA

KANILANG

MATIBAY

NANALASA

NANINIWALA

PILIPINO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with