^

Punto Mo

10 Istorya ng ‘True Love’ (Last Part)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

10. Barkada ng Anak ko, Lover Boy ko

DIBORSIYADA si Liza. Mas pinili niyang maging single Mom kaysa may asawa nga, abusado naman. Isang kabarkada ng kanyang anak na high school ang madalas tumambay sa kanilang bahay, si Adrian. Sa dalas ng pagtambay, naging close na rin ito pati kay Liza. Habang tumatagal, napapansin ni Liza na lagi siyang pinupuri ni Adrian. Kung gaano siya kaganda. Na ang ganda raw niya ang type niya sa isang babae. Palibhasa ay matagal nang walang karelasyon, ang pamumuri ni Adrian ang nagpabalik ng self-esteem ni Liza. Saglit na nawala ang pagpapahalaga niya sa sarili simula nang maranasan niya ang pangbubugbog ng dating asawa.

Nagsimula ang lahat sa pakikipag-date na humantong sa regular na pagmomotel. Biglang nabuntis si Liza. Saka lang niya napagtanto na 36 years old siya at 14 years old ang lalaking nakabuntis sa kanya. Nakarating ang balita sa lola ni Adrian. Tumawag ito ng pulis at nagsampa ng statutory rape laban kay Liza. Habang isinasagawa ang imbestigasyon, pinayuhan si Adrian ng abogado ni Liza na pakasalan ito para mapababa ang kaso. Palibhasa ay totoong minamahal niya ang babaeng halos kasing tanda ng kanyang ina, agad niyang pinakasalan si Liza. Ngunit pagkatapos ng kasalan, si Liza ay inaresto at ikinulong.

Nasintensiyahan siya ng dalawang taong pagkakulong. Ang panganay nila ay ipinanganak sa loob ng kulungan. Lumaya si Liza. Pinanindigan ni Adrian ang kanyang responsibilidad bilang asawa at ama. Nagsasama pa rin sila magpahanggang ngayon. Dalawa na ang anak nila.

vuukle comment

ADRIAN

ANAK

BARKADA

BIGLANG

DALAWA

HABANG

ISANG

LIZA

LOVER BOY

PALIBHASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with