^

Punto Mo

Taxi na may disco sa loob, patok sa Colorado

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG taxi na minamaneho ni Jon Barnes ay kilalang-kilala na sa Colorado dahil sa kakaibang serbisyo nito sa mga pasahero.

Mukhang disco ang loob ng taxi. Kumpleto ang taxi sa makikislap na pailaw at mga malalakas na tugtugin kaya naman aakalain ng sinumang sasakay dito na nasa loob sila ng isang disco club.

Sinimulan ni Jon na ga­wing parang disco ang loob ng kanyang taxi noong 1983. Baguhan pa lamang siyang namamasada at upang maalis ang pagkainip sa paghihintay ng pasahero, nilagyan niya ang taxi ng isang electronic keyboard na kanyang tinu­tugtog upang maalis ang kanyang pagkainip.

Dito na nagsimulang magmukhang disco ang kanyang taxi dahil sinundan ang keyboard ng mga pailaw at ng iba pang instrumento sa pagtugtog.

Sa ngayon, gumagamit na ang taxi ni Jon ng mga maka­bagong teknolohiya katulad ng mga laser na pailaw at computer na nakakabit sa Internet upang magbigay ng kakaibang karanasan sa mga pasahero nito.

Ngayon ay kilalang-kilala na ang taxi ni Jon sa bayan ng Aspen sa Colorado. Sa katunayan nga ay marami ng sikat na mga personalidad na katulad nina Clint Eastwood, George Lucas, at Ke­vin Costner ang nakasakay na sa taxi ni Jon.

vuukle comment

BAGUHAN

CLINT EASTWOOD

COSTNER

DITO

GEORGE LUCAS

JON

KE

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with