^

Punto Mo

Sakripisyo

DIKALP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG magsasaka ang nakatayo sa harapan ng mga tanim na kawayan. Maya-maya ay kinausap niya ang pinakamatangkad at pinakamagandang  kawayan.

“Kaibigang Kawayan, kailangan kita.”

“Sige, gamitin mo ako sa anumang paraang makakatulong ako sa iyo.”

“Okey ba sa iyo kung hatiin kita upang magamit ka sa aming­ bukid.”

“Whattt? hahatiin mo ako? Di ba, ang lupit naman ‘nun!”

Katahimikan. Maya-maya ay binasag ito ng gumagaralgal na boses ni Kawayan.

“Si-sige payag na ako sa gusto mong mangyari. Hatiin mo na ako.”

“Ganito iyon, Kaibigang Kawayan, bago ko hatiin ang iyong katawan, tatapyasin ko muna ang iyong mga dahon at kakayasin ko ang iyong balat.”

Tuluyan nang napaiyak ang magandang kawayan.

“Hahatiin mo na nga ako ay tatapyasin mo pa ang mga dahong matagal kong inalagaan. Ano na ang mangyayari sa aking beauty na kaytagal kong inalagaan laban sa mga kulisap at salbaheng hayop?”

“Kung hindi ko gagawin ang mga bagay na ‘yun, hindi kita magagamit,” paliwanag ng magsasaka.

Huminga nang malalim ang biyuting kawayan at saka buong tatag na nagpasiya.

“Sige na nga, iniaalay ko ang aking sarili para sa kapa­kanan ng nakararami.”

vuukle comment

AKO

ANO

GANITO

HAHATIIN

HATIIN

HUMINGA

KAIBIGANG KAWAYAN

KAWAYAN

SIGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with