^

Punto Mo

Lampong (250)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘KARATISTA ka pala, Mulong. Hindi ko akalain,’’ sabing humahanga ni Dick kay Mulong.

Lalong humanga si Dick nang sumipa sa ere si Mulong. Pakiramdam ni Dick ay parang tinamaan ng sipa ng kabayo ang makakatikim niyon.

‘‘Palagay ko black belter ka, Mulong.’’

‘‘Opo Sir Dick este Tanggol. Black belter nga po ako.’’

“E saan ka naman nag-aral ng karate?’’

“Miyembro po ako ng Flying Puma, Sir Dick este tanggol. Sa kasalukuyan ay instructor ako.’’

‘‘Ang husay mo naman. Nagtatraysikel ka na ay nagtuturo ka pa ng karate.’’

“Pagkatapos ko pong mamasada saka ako nagtuturo. Mga kabataan ang estudyante ko, Tanggol.’’

“Paano ka naman natuto ng karate?’’

‘‘Meron po ako pinsan na nagtrabaho sa Saudi na marunong ng karate. Nagtayo siya ng association doon at pawang OFW naman ang tinuturuan. Nang magbakasyon dito, nagpaturo ako. Nang panahon pong iyon ay kagagraduate ko ng high school. Madali akong natuto. Sabi ng pinsan ko mas mahusay pa raw ako dahil alam ko kaagad ang mga steps. Turo ng pinsan ko, husayan ko raw ang pag-iwas sa kalaban.’’

“O di ba dapat haharapin mo ang kalaban dahil marunong ka na ng karate.’’

“Hindi po. Kung kinakaila-ngan, iwasan mo ang kalaban at kung gipit ka na at wala nang magagawang paraan kundi ipagtanggol ang sarili…”

Napatangu-tango na lang si Dick. Ganoon pala iyon. Hindi porke marunong ng karate ay aabante nang aabante. Kaila-ngan pala mahusay ding umiwas o tumakbo.

‘‘E marunong ka ng arnis, Mulong?’’

‘‘Opo. Ako po ang champion sa arnis sa Socorro.’’

‘‘Aba lahat pala ng martial arts alam mo.’’

“Hindi naman po.’’

‘‘Turuan mo naman ako ng arnis. May kaunti akong alam pero baka hindi umubra.’’

‘‘Sa arnis po dapat mabilis ang kilos at isip. At kahit ano pong mahagilap na bagay ay kailangang magamit para ma-disable ang kalaban. Halimbawa po ay nakabilot na papel puwede pong pang-arnis yun. Lalo na po ang payong o maski ballpen puwede ring arnis.’’

‘‘Akala ko dalawang stick na kahoy ang kailangan sa arnis?’’

“Opo. Yan nga po ang sinasabi ko na dapat mabilis ang kilos at isip. Kasi hindi mo naman dala lagi ang stick kapag aalis ka ng bahay di ba?’’

‘‘Oo nga ano. Husay mo talaga, Mulong. Sige turuan mo na ako ng arnis.”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

ARNIS

FLYING PUMA

MULONG

NAMAN

NANG

OPO

OPO SIR DICK

SIR DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with