^

Punto Mo

Lampong (160)

Banat

P AGKAKATAON na ni Dick na kausapin si Puri. Hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa. Kung nagawa ni Puri na talikuran siya at ipinagpalit sa iba, magagawa rin naman niya itong komprontahin.

Lumapit siya kay Puri na noon ay abalang-abala sa pagpili ng damit. Walang kamalay-malay si Puri na papalapit si Dick.

“Puri!”

Agad namang lumingon si Puri. Hindi maiguhit ang ekspresyon ng mukha nito nang makita kung sino ang tumawag. Nahintakutan. Binawi ang tingin at agad ibinalik ang mga damit na hawak.

Mabilis na lumayo sa section na iyon. Malalaki ang hakbang ni Puri. Lakad na may kinatatakutan at iniiwasan.

Pero sinundan ni Dick. Nakita na siya kaya ano pa ang ikatatakot niya. Bahala na kung anong mangyari. Ipakikita niya kay Puri na marunong din siyang ma­galit. Hindi siya aatras. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ganoon ang ginawa sa kanya.

Pero bago pa muling nakalapit si Dick kay Puri ay nakalapit na ito kay Senior Citizen. Biglang niyaya ni Puri si Senior na lumabas na. Tinungo nila ang pintuan ng mall. Nakabuntot pa rin si Dick.

Pero nang pumakabila sa mga malalaking halaman, ay biglang nawala sa paningin ni Dick. Hindi na makita. Parang naglahong bula.

Ilang beses pang tinanaw ni Dick ang direksiyon ng tinungo nina Puri. Wala na talaga.

Napabuntunghininga si Dick. Ngayong nakita na siya ni Puri, tiyak na hindi na ito magpapakita sa kanya. Sana ay hindi muna siya nagpakita rito at sinubaybayan na lang muna.

Umuwi si Dick na bi­gung-bigo. Bakit nagawa ni Puri na lokohin siya? Masisira yata ang ulo niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHALA

BAKIT

BIGLANG

BINAWI

DICK

PERO

PURI

SENIOR CITIZEN

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with