^

Punto Mo

‘Tricycle sa EDSA’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SUMIKAT sa buong mundo ang EDSA dahil sa makasaysa­yang pangyayari sa ating bansa noong panahon na nagkaisa ang mga Pilipino laban sa Marcos administration.

Naging saksi ang kalsadang ito sa malawakang pag-aaklas ng ating mga kababayan para sa mas maayos at organisadong pagpapatakbo ng pamahalaan.

Dagsa ang mga sasakyang dumaraan sa EDSA araw-araw dahil ito ang pangunahing kalsadang nagdudugtong sa iba’t ibang siyudad ng Metro Manila.

Kaugnay nito, hindi lahat ay may pribelehiyong makadaan dito. Bukod kasi sa mga motorsiklo, pawang mga sasakyang may apat na gulong lamang ang pinapayagang gumamit ng EDSA.

Kaya naman nakaagaw sa pansin ng BITAG ang animo’y mga ipis ng lansangang pasulput-sulpot sa isang bahagi ng EDSA kung saan matatagpuan ang GMA-Kamuning Station ng Metro Rail Transit (MRT).

Huli sa akto ang mga tricycle na nakikipaggitgitan at pasingit-singit sa mga sasakyang dumaraan­ sa EDSA.

Kaya hindi nakapagtataka na sa bahaging ito ng EDSA, lalong nagsisikip at bumabagal ang daloy ng trapiko.

Dahil hindi lamang pamamasada sa highway ang kalokohan ng mga ito, maging ang iligal na pagte-terminal sa ilalim ng istasyon ng MRT ay ginagawa rin nila! Ilang hakbang lang ang layo ng office ng Metro Manila Development Authority mula sa kanilang terminal

Subalit bakit hindi magawang sawayin nang nagkalat na MMDA enforcer sa EDSA ang mga drayber ng tricycle na bigla na lamang sumusulpot at nakikipag-unahan sa mga sasakyan?

Kaya naman tinatawagan ng pansin ngayon ng BITAG ang MMDA upang agad na malinis ang naturang kalsada nang hindi na muling ipisin pa. Kilos Pronto!

Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

vuukle comment

EDSA

KALAW HILLS

KAMUNING STATION

KAYA

KILOS PRONTO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with